Posts Tagged ‘tula’

Gerunds on a Sunday

Hunyo 18, 2012

As I wreck the solitude of my being

with my spirit’s attempts at singing

the words that would convey the feeling

of a heart that resists its beating,

I have finally gone to concluding

that it is silly how this waiting

and my episodes of trying

had never been convincing.

And I have come close to accepting

that the thought of you reciprocating

is nothing more than wishful thinking-

a dream that shall not be existing

for it has not received heaven’s blessing.

But still I find myself praying

to any god who might be listening

for drops of eternity to grace my living

because born out of this major longing

is a need to explain why a lifetime of hurting

seems a million times better than just dying.

Advertisements

Bago Ako Matulog

Hunyo 11, 2012

Iiwan kong bukas ang bintana ngayong gabi

at hahayaang maglabas-masok ang hangin

na inaasahang maghehele sa kaluluwang pagal

at maghahatid sa lawak ng landas ng mga panag-inip

kung saan may ligayang hatid ang pantasya

bagama’t nananatili ang kabatirang huwad ang lahat.

 

Hahawiin ko ang kurtinang humaharang

nang sa gayo’y tanaw ko ang madilim na kalangitang

hindi pinalad makadaupang-palad ang mga tala sa mga sandaling ito

subalit tinuring na kaibigan at kaagapay

ng mga pusong hindi maikahon ang pananabik sa paghahanap

ng tahanang kakanlong at tatanggap nang walang alinlangan.

 

Bibitbitin ko ang pinakamatamis na ngiti

bago magpahinga ang talukap, humalik ang likod sa kama

at pansamantalang ipinid ang mga mata

taglay ang pag-asang sa pagdalaw ko sa landas na iyon ngayong gabi

ay ngingiti pabalik ang pag-asang magpapaalala

na mas masaya ang mamuhay sa katotohanan kahit may mga bagay na wala na.

Of Life and Death

Hunyo 7, 2012

Like footprints left by the travelling man in the desert,

everything is transitory.

Life is but a sojourn

as we all are travelers with the same mission:

to search for that which shall satisfy

whichever desire lies deep down inside.

But often it ends

not when the prize sought is won

but when the spirit wearied

or the will died.

After all what is life other than a march towards death?

death being the ultimate peace and quiet?

The Cup Has Six Faces

Hunyo 1, 2012

You offered me a cup

with the glinting ocean inside it.

A thing of beauty it was –

a multitude of colors,

and spectral hues.

Inviting.

 

I took a sip from the cup.

Sweet as I expected –

with traces of honey and cinnamon

and the aroma of morning dew

and the scent of flowers blossoming under the sun.

Heavenly.

 

It reminded me of all good things.

Of beauty, of laughter, of genuine smiles

that my heart was filled with desire –

A desire so intense

it was uncontainable.

Overpowering.

 

So I took another sip.

deeply moved by the sudden high,

wanting to experience the feeling a second time

prompting me to take action and to make it mine .

That was the step I took.

A leap of faith.

Risky.

 

Was it a sip?

Perhaps, it was one giant gulp.

For as the liquid slowly made its way down to my stomach

I felt my throat burn with searing pain.

That all the sweetness faded and no hint of it remained.

Gone.

 

When the struggle ended

I had found it resembled something else.

More than the saltiness of tears

what was left of it tasted of bitterness.

Yet I long for it still.

Desperation.

Bago ka pa magregalo

Mayo 16, 2012

bago pa punitin ni mama ang kalendaryo

at magpalit ang buwan mula Abril papuntang Mayo

ay kukunin ko ang lapis at ruler mong niregalo

lilinya, guguhit, dadagdagan ang araw nito.

 

bago pa umulit ang orasan ng alas kwatro

at humiwalay ang antok sa nakahilatang katawan ko

ay kukunin ko  sa garahe ang plais mong niregalo

at pipihiting pabalik sa ala una ito.

 

bago pa tumilaok ang tandang na pabibo

at magsisunuran ang mga lintik na kalahi nito

ay kukunin ko sa kwarto ang panyo mong niregalo

bubusalan ang tandang bago kumawala ang tono

 

bago pa bumuka ang mga labi mo

at sabihin ang gudbay na kinatatakutan ko

ay kukunin ko sa kusina ang kutsilyo mong niregalo

 

 

palagay ko alam mo na ang gagawin ko.

🙂

 

 

 

Toma Bersyon Mo (aka Toma Session 101 Ver. 2.0)

Mayo 15, 2012

Sagrado ang kopitang may gintong likido ng pampalimot.

Sagrado ang bawat patak na sasayad sa lalamunan

sa pagtatangkang burahin ang mga alaalang masalimuot

ng istoryang masaklap ang kinahantungan.

 

Sagrado ang kopita sa pagtawag ng espiritu

at sa pagpipinta ng mapulang kulay sa pisngi

na siyang huhudyat sa mundong magsisirku-sirko

at sa mga taingang pansamantalang mabibingi.

 

Sagrado ang kopita sa pagbubuhol ng sikmura

at sa pagpihit at pagbulwak ng nilalaman nito;

sa pagdipa at paggalugad ng dingding na makakapa

bago ang banal na pagluhod sa harap ng trono.

 

Sagrado ang likido na pampalakas ng loob

isiwalat ang hinanakit sa inampalang di naman mang-uusig

na manatili’t makinig sa litanya ng pusong kayrubdob

na puno ng hinaing ng nabigong pag-ibig.

 

 

 

Our Bridge

Mayo 15, 2012

1.

bubuo ako ng tulay

na mas matingkad ang kulay sa bahaghari

at pilit na ilalapit

ang distansyang namamagitan sa iyo at sa akin

2.

bubuo ako ng tulay

na hindi magugupo ng daluyong

o aabuhin ng lagablab

mas patatatagin sa semento, bakal at aspaltong ilalatag

3.

bubuo ako ng tulay

na karugtong ng langit

pinalamutian ng mga rosas na di nalalanta

pinabanguhan ng halimuyak ng bagong umaga

4.

bubuo ako ng tulay

na tatagos sa kalawakan

tanaw ang mga bituin at mga konstelasyon

at mga planetang umiinog sa araw

5.

bubuo ako ng tulay

na walang ibang makakadaan

tanging ako at ikaw lamang ang may alam kung saan

tanging ako at ikaw lamang

paanong hindi kita maaalala?

Mayo 14, 2012

Tutula-tula

Sisipol-sipol

Kakanta-kanta

Pipiliting lagyan ng kulay ang bawat letra

upang libangin ang isip na hindi mapirmi

Rerendahan ang gunita

na pilit kumakawala

naghuhulagpos

naghahanap ng pagkakataong maipaalala

ang mga pagkakataong masaya

subalit lipas na.

Tutunganga

Titingala

Pagmamasdan ang ilaw sa gitna ng puting kisame

Magpupumilit ipinid

ang mga matang hapo na

patuloy na aasa at maghahangad

hanggang lamunin ng dilim

at tuluyang yakagin

ng landas ng pagkawalang-malay

At kapag narating na

ang karimlang pita

sandaling lilimot

Ibabaon sa kahapon ang mundo

habang tahimik na nagmamasid ang gabi

at sumisilip ang nanunuyang buwan

sa pansamantalang kapanatagan.

Ngunit kinabukasan, may magsusumbong kay araw.

Mumulat na namang ikaw ang unang gunita.

Paanong hindi kita maalala?

Unang Ulan sa Aking Mayo

Mayo 14, 2012

Mangungulimlim ang langit.

Magtitipon ang mga ulap sa isang sulok .

Tapos kukulog.

Tapos kikidlat.

Tapos guguhit sa kalawakan ang liwanag.

Tapos maririnig ang nakabibinging ingay.

Papatak ang mga butil ng tubig mula sa langit.

Aambon.

Paisa-isa.

Manaka-naka.

Isasara ang mga naaanggihang bintana.

Ibababa ang mga kurtina.

Papalahaw ang langit.

Dadalas ang pagpatak ng tubig.

Lalakas ang ingay sa latang bubungan.

Hahalik sa lupa.

Sisingaw ang alimuom.

Susuyurin ang mga tuyong teritoryo.

Sisilong ang mga tao.

Tapos luluha.

Hihikbi.

Aagos ang tubig mula sa mata.

Mamamasa.

Magbabaha.

Mamamatay ang ligaya.

Aasa.

Tula (?)

Mayo 6, 2012

 

 

 

 

 

 

 

Ito’y isang pagtatangka

sa pagtahak ng landas ng pagkamakata

na mamili ng titik, mag-ipon ng salita,

bumuo ng saknong, maghanap ng tugma.

 

Ito’y isang pagtatangka

na padaluyin sa ugat ang masining na tinta

na libutin ang isip at bawat hinuha

magpinta ng larawan gamit ang gunita.

 

Ito’y isang pagtatangka

isaletra ang laman ng puso at diwa

sipatin ang dibuho ng nasimulang likha

mag-isip ng pangala’t tawaging tula.

 

Ito’y isang pagtatangka.