Posts Tagged ‘September’

Random Diary Entries Series 2

Oktubre 1, 2012

September 10

Minsan ang procrastination ay by-product lang ng process of “self-purgation”. Para “mapiga” ang sarili mo – isip, puso – ng stress, problems, ideas at what have you. You need to sit down. Stop whatever you are doing. Postpone all plans. And just take time to smell the flowers. Mehn, believe me. We all need a break. A breather. Time to reflect and assess where we are at a certain point in our life. To keep balance. To maintain sanity.

September 13

May mga recognition na trip na trip mong i-claim kaso when you think about its repercussions, specially the negative effects (read: bad image) it will have on other “people”, you just opt to shrug it off (and act like that pa-humble character you have perfected through repeated ordeals like this). Gusto mong maki-sintemyento but doing so would only mess things up some more. Ayaw mo ng hassle. At syempre, ayaw mo rin mag-magaling at magmukhang magaling sa harap ng iba. Let’s face it. You long for recognition. Matutuwa ka rin konte. But you’re just not the type who’ll be extremely “pleasured” by something so petty. You’re not that kind of person. Not that kind.

September 16

‘Yung feeling na minsan trip mong mag “me time” kaso takot ka rin na baka wala ka nang mabalikang friends kaso trip na trip mong magpa-miss kasi nga feeling unappreciated at taken for granted ka kaso nga you’re also not sure if they’ll even notice. Plus there’s the possibility that if they do notice, you’ll be labeled “paimportante” and that’s exactly want you want them to feel yet you hate to be given that title. Dilemma, tsong. Hyper to. Still, you choose to be with them. Kahit na at the back of your head, thoughts about how you’re just a “filler” in the group bother you.

Random Diary Entries Series

Setyembre 29, 2012

September 1

Badtrip ‘yung di mo maalis ‘yung takip ng bolpen mo na nilagay mo sa other end (the one without the “tip”) tapos ‘d mo na talaga makuha. Double badtrip pa kasi wala ka masising iba dahil kagagawan mo rin. Shete. Masama ito.

 

September 4

May mga pagkakataon talaga eh no na ayaw mo na sana makaalala kaso bigla na lang bumabalik eh. Badtrip minsan kasi ang lakas maka-emo. Ang catch pa, you have to act normal in front of other people. Otherwise, tapos ang kaastigan mo balbon! Ang lakas maka-emo ng ganyan eh.

 

September 5

May fear ako minsan na baka tumanda akong may sira ang ulo. Para kasing lately ang hirap i-contain ng mga thoughts ko. Parang they have to be continuously poured out. It’s either I keep myself extremely busy at work (to distract myself) or I look for alternative ways to pour my thoughts. I have friends kaya lang alam mong ‘di nila mage-gets ang mga pa-deep mong hirit tungkol sa inner conflicts. So you decide to just keep it to yourself. At patayin ang sarili mo unti-unti sa konsumisyon. Heavy.

 

September 8

Sense can be found in deep introspection.

Wake Me Up When September Ends: Ang Pagbabalik ni Math Titser

Setyembre 19, 2012

Kailan dumating ang “turning point” sa buhay mo? Na-“turn on” ka ba? (ano raw?)

Ako maitututing ko marahil na isa sa pinakamahalagang bagay na natutunan ko eh nung nag-grade two ako.

(enter dramatic musical scoring)

Hindi ko akalain na sa murang edad ay makakatagpo ako ng isang kaalamang magpapabago sa pananaw ko sa buhay. Isang ideyang nananatili hanggang sa puntong ito ng buhay ko. Isang karunungang ikinintal sa aking puso. Tila binhi. Nagkaugat. Tumubo. Yumabong. Namunga. At lahat ng ito ay naganap isang araw noong nasa ikalawang baitang ako. Sa loob ng aming munting silid-aralan, kung saan sinisimulan ko palang pintahan ang aking mundo, upang maging makulay (na parang sinabawang gulay! …. achiche! angkorni ampowtek)

flush Plash plush back Balik-tanaw, tsong: 

Papasok si Mrs. Tuliao sa masikip na klasrum mula sa pinagtatambayang faculty room. Bitbit ang pahabang bag na di ko lubos mauunawaan noon kung bakit araw-araw n’yang dinadala (ngayong ko iniisip na baka lesson plan yon). Syempre, hindi mawawala ang trademark nyang bimpong puti sa likod at mataas na kilay.

Tumayo ang lahat ng klasmeyt ko kung paanong tumitindig ang asong tuwing darating ang alagang amo (ang pangit ng analogy, noh? hihihi random: naisisp ko si Hachiko).

Nagpunta sa harap ang prayer leader – pawisan gaya ng nakagawian. Nag-antanda. Nagsimula.

Eyndyel op gad, may gardyan dir (o kaya sa iba my gardyan eyndyel yung second part)…”

Aalingaw ang boses ng mahigit-kumulang singkwentang mga batang edad mago-otso anyos halos. Matatapos. At susundan nang

“Guuuuud Morneeeenggg, Misis Tuuuu-leee-yaaaaw! “

(standard greeting sa pinas ‘to-its) na kahit araw-araw naming gawin ay masagwa pa ring pakinggan.

Pagkabati ni maam, uupo lahat at derecho na sa harap ang mga attendance monitor per row, at ibabalita sa klase kung ilan ang liban sa pangkat nila.

“I’m soree tu til you that payb of my members in group wan are absen”

At pagkatapos ‘yun na.

Binuklat n’ya ang libro.

“Class, turn your books to page blah blah blah…”

Paborito ko si maam.

Kaya’t kung ano mang sabihin n’ya sinunod ko.

Peyborit ko noon ang English.

Kaya’t nung sinabi n’yang “ternyurbuks”, nagmadali ako.

Nilawayan ko ng matindi ang pinagdikit kong hinlalaki at hintuturo.

Karipas sa paglipat ng pahina. At doon ko natagpuan ang naghatid sa akin sa turning point ng buhay ko:

Lo and behold!

Sabi n’ya:

“Thirty days hath September

April, June and November

all the rest have thirty-one

excepting february alone…”

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa.

Nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.

Eureka moment tsong! I have found it!

Shete! Yung lang pala yon?

edi  No more lonely nights! 

Terty days lang pala ang September!

Yeba!

bow!

***

At syempre, ‘di ko palalampasin na sa tatlumpung araw na iyon eh wala akong magiging post. Na-miss ko ang kawangakan ni Math Teacher! Hello guys! I’m back (takte, feeling sikat)