Posts Tagged ‘random thoughts’

Gerunds on a Sunday

Hunyo 18, 2012

As I wreck the solitude of my being

with my spirit’s attempts at singing

the words that would convey the feeling

of a heart that resists its beating,

I have finally gone to concluding

that it is silly how this waiting

and my episodes of trying

had never been convincing.

And I have come close to accepting

that the thought of you reciprocating

is nothing more than wishful thinking-

a dream that shall not be existing

for it has not received heaven’s blessing.

But still I find myself praying

to any god who might be listening

for drops of eternity to grace my living

because born out of this major longing

is a need to explain why a lifetime of hurting

seems a million times better than just dying.

Persdeyhay ni Titser

Hunyo 13, 2012

DISCLAIMER: Wangak post ito. Mga saktong kwento lang at pautot. Walang patutunguhan. Yown.

Dear Diary,

Carlo sat beside me today (kung napangiti ka ibig sabihin naalala mo etong oldskul na commercial na ito na isa ring korning paraan para simulan ang isang blog post)

First Day of School kanina!

Nampotek. Feeling estudyante lang. Hihi. Teacher nga pala ako.

At dahil pasukan na, iiwasan na muna natin ang mga kaemohan post (mali, tatangkain lang palang iwasan. Baka talaga di mapigilan eh. Pagpasensyahan nyo na. Sabi naman nung isa nating Sir master idol boss at katoto nating si Brader ljsdeleon eh astig naman raw ang pagkaemo namin eh <uuuyyyyy libre plugging sa blog nya… hihihihi…>. Pero por deseyk of dis nyu iskul yir, eh sisimulan nating mag focus muna sa mga gawaing pangguro katulad ng noynoying at pagtitinda ng tocino sa klase )

Eh teka. Pangatlong taon ko na itong nagtuturo ah. Bakit karapat-dapat paglaanan ng blog post ang taong ito? Anong espesyal sa kanya ngayon? Ano ba ang bago sa buhay ni Titser ngayong taon bukod sa bigong lablayp? Mananalo ba sya sa lotto this year? Makukulong ba ang character ni Dawn Zulueta sa Walang Hanggan katulad ng ipinapakita sa patalastas? At ano ang magandang paliwanag kung bakit napasama ang huling tanong na yan?

Anu-ano ba ang bago sa akin this year ?

Okay. Isa-isahin natin. Simulan natin dun sa subject na ituturo ko. O yung tinatawag na TEACHING LOAD.

Ang totoo, pareho pa rin naman ang mga klaseng ibingay sa akin. Katulad ng dati, ikatlong taon ko nang ituturo ang Statistics at Precalculus sa Second Year at Fourth Year respectively. Dahil Grade 7 lang naman ang apektado pa ng k+12 at di pa naman damay ang mga naturang chikiting eh alaws naman problema.

Meron akong apat na klase sa sikundyir at dalawa naman sa fortdyir. Bale overload ako na ikinatutuwa ko na rin kabit papaano dahil dagdag kita ito at hindi nako magsa-sub sa klase ng iba. halatang mukhang pera ako… this year. Hawak ko ang 2A, 2E, 2G, at 2H sa sikundyir at ang 4F at 4D Pull out sa Fourth year. Yung Pull out class eh iyon yung mga pinagpalang bata ni Prinsesa Batong Orange (kilala nyo ba to? Yung na-feature dati sa MGB?)Bigla ko lang syang naisip.) Sampu lang sila. Sa kanila kinukuha yung mga pinanlalaban sa kontest. Hindi ko nga alam kung bakit pinagkatiwalaan na naman ako ng admin na hawakan ang klaseng yan. Hindi na sila nadala sakin last year gayong puro kalokohan, kwentong barbero, pabula, alamat, jejemonism 101, Tips sa Tamang Timing sa Pagbitaw ng Jokes, at konting Math lang naman ang itinuro ko sa nakaraang batch. Hindi na sila natuto. Hmmpp. (ako pa raw ang galit? kapalmuks talaga putek)

So yun. Yan ang mga little children batang tuturuan ko.

Ano pa ang bago?

Yun. Di kagaya last year kung saan Second Year ang year level ko (ganoon kasi yun, lahat ng teachers samen naka-base sa isang particular year level) at Sikundyir ang Advisory class ko, eh nasa Fourth Year naman ako ngayon gaya nung first year of teaching ko. Pero mga ‘dre, lumebel-ap tayo konte (lebel-ap raw si lukutoy oh?) kasi ngayon eh me Advisory Class na tayo sa Fourth Year. Di na lang tayo section – based teacher gaya noon! From 2G last year, eh 4F naman tayo ngayon. Nabago na rin ang katoto nating santo. Mula kay St. Rita of Cascia eh St. Fulgentius of Ruspe na tayo. Ayun. Adjust-adjust ren.

At dahil ang eskwelahang pinagtatrabahuan ko eh factory ng mga artista (initials  na lang, the likes of K.A.ng dos, L.M. ng dos, H. E. ng syete, J.D. ng cinco, I.V. ng dos, D. D. ng dos, B.P. ng syete) eh inasahan ko na rin na meron akong estudyanteng related sa shobiz. Meron nga. Nasa klase ko yung anak ni C.C.Q. na si Ms. A. A. D. A. ng dos. Yun. Absent kanina. Sabi nung mga kakilala nasa Tate pa raw. Aba. Di pa ata tapos ang bakasyon.

Ano pa ba?

Ah. Me mga bago akong trabaho. Officer pala ako ng Faculty Club tapos ako rin yung may hawak ng Mu Epsilon (Math Club). Naisip ko lang, medyo marami pala akong trabaho this year kaya malamang sa malamang talaga eh madalang ko nang mabisita tong bahay ko rito. tsk. tsk.

So par yun lang naman mga updates sa buhay titser ni Ser Caloy.

Ano ginawa kanina?

First day kaya orientation muna! Syempre nanghingi ako ng makasaysayang First Impression at Expectations (pero mga brader, me twist! pinakanta’t sayaw ko yung mga bata). Tapos nagdiscuss ako ng 124 slides na Discipline Guidelines, 25 Slides na Academic Guidelines at 34 Slides na Duties and Responsibilities of Class Officers. Tapos konteng my name is blahblahblah, tapos fill out ng info sheet, bigay homework (magdala ng recent 1×1 pictures). Tapos nagkaroon ng makasaysayan ring Election ng Class Officers. Pero bago nagsimula lahat yan, meron munang Departmental program kung saan pinakilala ang lahat ng teachers. Alam mo agad sa tili ng mga yung mga teacher na trip nila talaga at yong mga trip lang nilang pagtawanan. yon. Okay lang naman.

Ano pa ba? Yun na lang muna. Update na lang ulet pag may bago na.

Yun lang.

Labingly Yours,

Sir Caloy

Bago Ako Matulog

Hunyo 11, 2012

Iiwan kong bukas ang bintana ngayong gabi

at hahayaang maglabas-masok ang hangin

na inaasahang maghehele sa kaluluwang pagal

at maghahatid sa lawak ng landas ng mga panag-inip

kung saan may ligayang hatid ang pantasya

bagama’t nananatili ang kabatirang huwad ang lahat.

 

Hahawiin ko ang kurtinang humaharang

nang sa gayo’y tanaw ko ang madilim na kalangitang

hindi pinalad makadaupang-palad ang mga tala sa mga sandaling ito

subalit tinuring na kaibigan at kaagapay

ng mga pusong hindi maikahon ang pananabik sa paghahanap

ng tahanang kakanlong at tatanggap nang walang alinlangan.

 

Bibitbitin ko ang pinakamatamis na ngiti

bago magpahinga ang talukap, humalik ang likod sa kama

at pansamantalang ipinid ang mga mata

taglay ang pag-asang sa pagdalaw ko sa landas na iyon ngayong gabi

ay ngingiti pabalik ang pag-asang magpapaalala

na mas masaya ang mamuhay sa katotohanan kahit may mga bagay na wala na.

Of Life and Death

Hunyo 7, 2012

Like footprints left by the travelling man in the desert,

everything is transitory.

Life is but a sojourn

as we all are travelers with the same mission:

to search for that which shall satisfy

whichever desire lies deep down inside.

But often it ends

not when the prize sought is won

but when the spirit wearied

or the will died.

After all what is life other than a march towards death?

death being the ultimate peace and quiet?

Hindi Sinungaling ang Madaling Araw

Hunyo 1, 2012

Walang ginhawang dinulot ang ulan sa madaling araw. Ni hindi napawi ang init na iniwan ng lumipas na magdamag. Mabigat man ang bawat patak sa lupa, ingay lamang sa bubungan ang napagtagumpayan nitong likhain. Wala ang inaasahang lamig na hiniling kong magbibigay buhay sana sa nakatupi ko pang kumot mula kahapon.

Kaalinsabay ng pagpalahaw ng langit, tuluyan na rin ang pagkawaksi sa katahimikang kanina’y tila kayamanan kong itinangi. Pakiwari ko, pati ang kadiliman na ilang minuto lamang ang nakalipas ay namayani sa kalawakan ng aking silid at maging sa apat na sulok nito ay tuluyan na n’yang nabulabog.

Lipas na nga ang oras ng luwalhati. Lipas na ang oras ng pag-usal ng mga mahihinang dasal na hindi naman talaga nais iparinig kaninoman. At sa ilang saglit, katulad ng mga nakaraang madaling araw na sumayaw sa himig na gawa ng pagpatak ng ulan, bubuhos na muli nang isa-isa ang mga alaala mong tila multo akong hindi tinatantanan hanggang ngayon.

Subalit may kakatwang naganap sa sandaling ito. Sa unang pagkakataon, tila wala akong takot na nararamdaman sa dibdib. Sa halip, mas matindi pa ang pagnanasa kong muli pang masilayan ang iyong mukha sa aking gunita. May kung anong tinig na umuudyok sa aking kakaiba ang magaganap sa araw na ito. Kung paanong walang lamig na dulot ang ulan sa magdamag, may nagsasabing hindi rin pangkaraniwan ang magaganap mong pagdalaw.

At dumating ka nga. Dumating ka suot ang puting blusang sya mo ring suot nang huli tayong nagkasama. Mula sa bukas na bintana at tanaw ng lumuluhang langit, patakbo kang nagtungo sa kinaroroonan ko. Ang huli kong rekoleksyon ay nakatayo ka pa sa paanan ng aking kama kaya’t hindi ko namalayan ang mabilis mong paglipat sa aking tabi.

Hindi ako kumilos ni katiting. Sa pagkakataong iyon, wala akong ibang binalak na gawin maliban sa titigan ang iyong mukha. Doon ko napansin ang pag-agos ng iyong mga luha na tila nakikipagpalisaghan sa ulang nagaganap sa labas.

Unti-unti, naramdaman kong ibinaba mo ang iyong mukha at dahan-dahan mong idinikit ang iyong labi sa aking pisngi. Umusal ka ng ilang mga kataga – ang mga katagang inaasahan ko sanang binanggit mo bago pa sumapit ang lahat ng naganap na ito.

Subalit ang mga salitang tinuran mo ay batid nating walang kahulugan.

Hungkag.

Pilit.

Walang patutunguhan.

Mapanlinlang ang dila at ang alaala.

Subalit hindi nagsisinungaling ang mga madaling araw ko.

The Cup Has Six Faces

Hunyo 1, 2012

You offered me a cup

with the glinting ocean inside it.

A thing of beauty it was –

a multitude of colors,

and spectral hues.

Inviting.

 

I took a sip from the cup.

Sweet as I expected –

with traces of honey and cinnamon

and the aroma of morning dew

and the scent of flowers blossoming under the sun.

Heavenly.

 

It reminded me of all good things.

Of beauty, of laughter, of genuine smiles

that my heart was filled with desire –

A desire so intense

it was uncontainable.

Overpowering.

 

So I took another sip.

deeply moved by the sudden high,

wanting to experience the feeling a second time

prompting me to take action and to make it mine .

That was the step I took.

A leap of faith.

Risky.

 

Was it a sip?

Perhaps, it was one giant gulp.

For as the liquid slowly made its way down to my stomach

I felt my throat burn with searing pain.

That all the sweetness faded and no hint of it remained.

Gone.

 

When the struggle ended

I had found it resembled something else.

More than the saltiness of tears

what was left of it tasted of bitterness.

Yet I long for it still.

Desperation.

Bago ka pa magregalo

Mayo 16, 2012

bago pa punitin ni mama ang kalendaryo

at magpalit ang buwan mula Abril papuntang Mayo

ay kukunin ko ang lapis at ruler mong niregalo

lilinya, guguhit, dadagdagan ang araw nito.

 

bago pa umulit ang orasan ng alas kwatro

at humiwalay ang antok sa nakahilatang katawan ko

ay kukunin ko  sa garahe ang plais mong niregalo

at pipihiting pabalik sa ala una ito.

 

bago pa tumilaok ang tandang na pabibo

at magsisunuran ang mga lintik na kalahi nito

ay kukunin ko sa kwarto ang panyo mong niregalo

bubusalan ang tandang bago kumawala ang tono

 

bago pa bumuka ang mga labi mo

at sabihin ang gudbay na kinatatakutan ko

ay kukunin ko sa kusina ang kutsilyo mong niregalo

 

 

palagay ko alam mo na ang gagawin ko.

🙂

 

 

 

Ako ay May Lobo

Abril 25, 2012

pataas,

nang pataas, nang pataas.

palayo, 

nang palayo, nang palayo.

paliit, 

nang paliit, nang paliit.

palabo, 

nang palabo, nang palabo.

hindi na raw makikita?

lalamunin ng ulap

hindi na raw mahahabol?

tatangayin ng hangin

ihahatid sa kalawakan

patungo sa  katapusan.

Spoliarium

Abril 23, 2012

29 March 2004

Ikaw,

10:23 pm

Tarantado talaga yung taksi drayber kanina. Akalain mong nangongontrata? Ang lapit lang kaya ng Dasma! Hayop s’ya. Wag n’ya ‘kong gamitin kung gusto n’yang kumita ng ekstra.

Kilala mo ko. Ayoko ng nagpapagamit. Ayoko ng pinagmumukha akong tanga. Ayokong nakakahanap ng taong kaya akong utakan.

Alam mo bang “honor student” ako dati? Lagi nga kong may medal twing umaakyat ng stage eh.  Bilang ko yun lahat. Bente kwatro na ata. Science, Math, Essay Writing, Spelling… Lahat alam ‘ko. Nakwento ko na ata sa’yo ‘to eh.

Tapos lagi akong lider, lagi akong boss. Yung ako yung nasusunod? Walang kumukontra saken. Walang umuubra. Kahit titser bumabaluktot saken. Debatista yata ako. Pinakamahusay raw umargumento sabi nung trainer namin.

Tsaka alam mo magaling akong mag-gitara. Wala akong di kayang kapain na kanta. Di ba nga ‘yun yung dahilan kung bakit napasagot kita? Sabi mo ang galing kong kumanta. Pucha, maganda yung boses ko noon.

Tapos sabi mo gusto mong lagi kitang kinakantahan. Asan na nga ba yung gitara tsaka yung lumang CD? Di ko pa nalilimutan yung letra. Pati kords alam ko pa. Sabi mo nakakahawig ko si Ely Buendia tuwing hawak ko yung gitara.

Shet.

Korni pero kinikilig ako pag sinasabi mo yun.

Sobra.

****************************************************

11:17

Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba ‘pag nagsawa na ako
Biglang ayoko na

Swabe pa rin ang tunog ni Ely.  Hindi tunog lata.

****************************************************

11:20

Masaya naman tayo, ‘di ba? Ang sabi ko nga sa’yo, hahanap agad ako ng trabaho ‘pag graduate naten. Sabay tayo di ba? Pangako naten yun eh. Tatlong taon na tayong gumagawa ng mga bagay ng magkasama.

Kaya nga nagtaka na lang ako nung nakikipag-kalas ka. Sabi mo pagod ka na? Bakit? Wala naman tayong problema ah? Wala kang binabanggit tapos bigla na lang na yon na? Nagulat ako syempre. Nasaktan. Biglaan eh.

Pero ‘di ako makasarili. Naintindihan naman kita. Sabi nila matalino ako. Magaling akong umintindi kaya dapat intindihin kita. Pinilit ko naman eh. Kahit mahirap. Kahit sobrang sakit.

Kaso pucha naman isang linggo pa lang.

Hawak kamay pa kayo sa kalsada. Siguro di mo ko nakita. Pero kitang-kita ko kayo eh. Alam mo bang ang sakit? Gusto ko sanang habulin ka. Kausapin. Saktan.

Kaso di ko nagawa. Kasi nakita kitang nakangiti.

Shet.

Di ka pa ngumiti ng ganoon sa tatlong taon tayong magkasama.

Naisip ko, pareho lang kayo nung taksi drayber.

*******************************************************

12:03

Ang totoo pinag-iisipan ko pa rin tong gagawin ko. Nag-iisa na lang si nanay eh. Grade 2 pa lang yung bunso namen. Alam mo yung pangako ko di ba? Sabi ko ako yung magpapaaral sa kanya. Tuwang-tuwa si gago. Mas matalino saken yun eh. Magpa-private school daw sya. Tapos magduduktor. Oo lang ako.

Si Nanay kakakausap ko lang kanina. Sabi nya masaya raw sya at gagraduate na tayo. Wag raw muna kong mag-asawa. Kung alam lang nya. Wala naman akong kinikwento eh. Kelangan nya raw ng katulong.

Pero mahal ako non.

Maiintindihan nya ko.

*****************************************************

12:34

Pinaikot ko ulit yung plaka. Bumanat na naman ng kanta si Ely. Pero alam mo huling jamming na namin to. Wala nang laman ang mga letra ng kanta. Hindi na uulet magkakaroon. Mamaya kaya pagkakita mo saken maaalala mo pang kahawig ko sya pag may bitbit akong gitara?

Sana.

12:35

     Ako

(DISCLAIMER: matindi pa ata ang hang-over ko kay Murakami napasulat tuloy ako nito. First attempt after 6 years ng di pagsusulat? Parang ganon na nga ata katagal. Tsaka matagal na rin akong di nakakagawa ng sulat. Uso na kasi ang text.At sorry sa mga medyo bad werds! Suri! :))

Random Photos and My Captions

Abril 18, 2012

Just random pictures and the captions I wrote for them.

Picture Number 1

Picture No. 1

I noticed this chair at the back of the room while I was conducting remedial classes. I thought it would make an interesting picture so when the time was right (euphemism for when my students weren’t looking) I took out my phone and immediately took a snapshot of it.

Picture Number 2

I was playing this puzzle game on my phone when this happened. Similar to the first one, I thought it was a very interesting picture to write a caption for. One word to describe this: EMO!

Picture Number 3

I saw this in a department store when I accompanied a friend to buy sunblock. I found it funny initially, then I was reminded of some people and the price they are willing to pay for the pursuit of physical perfection.

Picture Number 4

This is another shot I took during remedial class. Actually the blue chair at the back is for observers. It just suddenly hit me how in a sea of brown chairs, the only blue chair is placed at the far end of the room, isolated from the others.

Picture Number 5

As an adviser, I am usually tapped to distribute forms or memos from the registrar’s office to my students. This is one such, and the memo’s title just made me laugh. No explanation needed I guess.