Posts Tagged ‘Filipino’

Random Diary Entries Series 3

Oktubre 1, 2012

September 22

Nakakainis ‘pag may bagay na siguradung-sigurado kang nagawa mo na (lalo’t napakasimple, ‘di nagre-require ng complex mental processes) tapos it turns out na ‘di mo pala nagawa? Badtrip ‘di ba? As in tipong makakapatay ka para lang patunayan na naalala mong ginawa mo s’ya then all of a sudden there’s tangible, credible at ‘di mapasusubaliang proof that you really, absentmindedly, unintentionally, forgot to do it. And it slaps you in the face. Hard. Twice pa. Badtrip. Badtrip.

September 24

Does a parallel universe exist? What if there’s life on another plane of existence. What about life on an opposite realm? Imagine contact. Imagine collision. Imagine.

September 25

Steady ka dude. Pero pwede ka ma-frustrate. With people, With events. With happenings. With work. And all the BS that comes with adulthood. Promise not to crack. “Don’t bend, don’t break”. Takte. Steady lang. St

 

 

Random Diary Entries Series 2

Oktubre 1, 2012

September 10

Minsan ang procrastination ay by-product lang ng process of “self-purgation”. Para “mapiga” ang sarili mo – isip, puso – ng stress, problems, ideas at what have you. You need to sit down. Stop whatever you are doing. Postpone all plans. And just take time to smell the flowers. Mehn, believe me. We all need a break. A breather. Time to reflect and assess where we are at a certain point in our life. To keep balance. To maintain sanity.

September 13

May mga recognition na trip na trip mong i-claim kaso when you think about its repercussions, specially the negative effects (read: bad image) it will have on other “people”, you just opt to shrug it off (and act like that pa-humble character you have perfected through repeated ordeals like this). Gusto mong maki-sintemyento but doing so would only mess things up some more. Ayaw mo ng hassle. At syempre, ayaw mo rin mag-magaling at magmukhang magaling sa harap ng iba. Let’s face it. You long for recognition. Matutuwa ka rin konte. But you’re just not the type who’ll be extremely “pleasured” by something so petty. You’re not that kind of person. Not that kind.

September 16

‘Yung feeling na minsan trip mong mag “me time” kaso takot ka rin na baka wala ka nang mabalikang friends kaso trip na trip mong magpa-miss kasi nga feeling unappreciated at taken for granted ka kaso nga you’re also not sure if they’ll even notice. Plus there’s the possibility that if they do notice, you’ll be labeled “paimportante” and that’s exactly want you want them to feel yet you hate to be given that title. Dilemma, tsong. Hyper to. Still, you choose to be with them. Kahit na at the back of your head, thoughts about how you’re just a “filler” in the group bother you.

Wag Lang ‘Di Makaraos

Hunyo 16, 2012
Mas nagustuhan ko ang atake ni Eros sa mga dagling napabilang sa librong ito. Muli, napatunayan ang personal kong hinala na mas magiging nakaka-aliw ang porma ng kanyang panitikan kung hindi ito magiging napakahaba (na tulad ng Ligo na U, Lapit na Me). Sa anyong ito, mas nadama ko ang kanyang indibidwalidad bilang manunulat, kung anong klaseng pag-iisip ang taglay ni G. Eros Atalia.Pinatunayan rin ng akdang ito kung gaano kalaki ang kaibahan ng paraan ng pagpapatawa ni Eros kay Bob (sorry na, nabanggit ko na naman si Bob). May sarili siyang istilo, na kung ipapapatuloy nya, sa palagay ko ay isang potensyal na maaring magluklok sa kanya sa parehong liga ng tagumpay na nakamit ni Ong.Marami akong naibigan. Maituturing kong personal na umangat para sa akin ang kanyang “Si Maam Kasi” na tumalakay kung paanong madalas ay pinaniniwalaan natin kung ano lang ang mga nais nating paniwalaan at ang “Birthday Wish” na sa aking palagay ay papasang bagong commercial ng McDo sa taglay na kadramahan.

Dahil dyan, napabili tuloy ako ng bago nyang libro sa NBS kanina, ang IT’S NOT THAT COMPLICATED.

Sana magustuhan ko rin ‘to. (kasi so far, sa 3 Eros Atalia books na pag-aari ko at nabasa ko, nakaka-one point pa lang sya.)Irerekomenda ko ang librong ito sa aking mga kaibigan. hihihihi
P.S.
Salamat kay DwightD ng Ang Nasasakdal dahil na-engganyo akong bilhin ang librong ito ng mabasa ko ang review nya. Special mention sa’yo!

Bago Ako Matulog

Hunyo 11, 2012

Iiwan kong bukas ang bintana ngayong gabi

at hahayaang maglabas-masok ang hangin

na inaasahang maghehele sa kaluluwang pagal

at maghahatid sa lawak ng landas ng mga panag-inip

kung saan may ligayang hatid ang pantasya

bagama’t nananatili ang kabatirang huwad ang lahat.

 

Hahawiin ko ang kurtinang humaharang

nang sa gayo’y tanaw ko ang madilim na kalangitang

hindi pinalad makadaupang-palad ang mga tala sa mga sandaling ito

subalit tinuring na kaibigan at kaagapay

ng mga pusong hindi maikahon ang pananabik sa paghahanap

ng tahanang kakanlong at tatanggap nang walang alinlangan.

 

Bibitbitin ko ang pinakamatamis na ngiti

bago magpahinga ang talukap, humalik ang likod sa kama

at pansamantalang ipinid ang mga mata

taglay ang pag-asang sa pagdalaw ko sa landas na iyon ngayong gabi

ay ngingiti pabalik ang pag-asang magpapaalala

na mas masaya ang mamuhay sa katotohanan kahit may mga bagay na wala na.

Of Life and Death

Hunyo 7, 2012

Like footprints left by the travelling man in the desert,

everything is transitory.

Life is but a sojourn

as we all are travelers with the same mission:

to search for that which shall satisfy

whichever desire lies deep down inside.

But often it ends

not when the prize sought is won

but when the spirit wearied

or the will died.

After all what is life other than a march towards death?

death being the ultimate peace and quiet?

Bago ka pa magregalo

Mayo 16, 2012

bago pa punitin ni mama ang kalendaryo

at magpalit ang buwan mula Abril papuntang Mayo

ay kukunin ko ang lapis at ruler mong niregalo

lilinya, guguhit, dadagdagan ang araw nito.

 

bago pa umulit ang orasan ng alas kwatro

at humiwalay ang antok sa nakahilatang katawan ko

ay kukunin ko  sa garahe ang plais mong niregalo

at pipihiting pabalik sa ala una ito.

 

bago pa tumilaok ang tandang na pabibo

at magsisunuran ang mga lintik na kalahi nito

ay kukunin ko sa kwarto ang panyo mong niregalo

bubusalan ang tandang bago kumawala ang tono

 

bago pa bumuka ang mga labi mo

at sabihin ang gudbay na kinatatakutan ko

ay kukunin ko sa kusina ang kutsilyo mong niregalo

 

 

palagay ko alam mo na ang gagawin ko.

🙂

 

 

 

Toma Bersyon Mo (aka Toma Session 101 Ver. 2.0)

Mayo 15, 2012

Sagrado ang kopitang may gintong likido ng pampalimot.

Sagrado ang bawat patak na sasayad sa lalamunan

sa pagtatangkang burahin ang mga alaalang masalimuot

ng istoryang masaklap ang kinahantungan.

 

Sagrado ang kopita sa pagtawag ng espiritu

at sa pagpipinta ng mapulang kulay sa pisngi

na siyang huhudyat sa mundong magsisirku-sirko

at sa mga taingang pansamantalang mabibingi.

 

Sagrado ang kopita sa pagbubuhol ng sikmura

at sa pagpihit at pagbulwak ng nilalaman nito;

sa pagdipa at paggalugad ng dingding na makakapa

bago ang banal na pagluhod sa harap ng trono.

 

Sagrado ang likido na pampalakas ng loob

isiwalat ang hinanakit sa inampalang di naman mang-uusig

na manatili’t makinig sa litanya ng pusong kayrubdob

na puno ng hinaing ng nabigong pag-ibig.

 

 

 

Our Bridge

Mayo 15, 2012

1.

bubuo ako ng tulay

na mas matingkad ang kulay sa bahaghari

at pilit na ilalapit

ang distansyang namamagitan sa iyo at sa akin

2.

bubuo ako ng tulay

na hindi magugupo ng daluyong

o aabuhin ng lagablab

mas patatatagin sa semento, bakal at aspaltong ilalatag

3.

bubuo ako ng tulay

na karugtong ng langit

pinalamutian ng mga rosas na di nalalanta

pinabanguhan ng halimuyak ng bagong umaga

4.

bubuo ako ng tulay

na tatagos sa kalawakan

tanaw ang mga bituin at mga konstelasyon

at mga planetang umiinog sa araw

5.

bubuo ako ng tulay

na walang ibang makakadaan

tanging ako at ikaw lamang ang may alam kung saan

tanging ako at ikaw lamang

paanong hindi kita maaalala?

Mayo 14, 2012

Tutula-tula

Sisipol-sipol

Kakanta-kanta

Pipiliting lagyan ng kulay ang bawat letra

upang libangin ang isip na hindi mapirmi

Rerendahan ang gunita

na pilit kumakawala

naghuhulagpos

naghahanap ng pagkakataong maipaalala

ang mga pagkakataong masaya

subalit lipas na.

Tutunganga

Titingala

Pagmamasdan ang ilaw sa gitna ng puting kisame

Magpupumilit ipinid

ang mga matang hapo na

patuloy na aasa at maghahangad

hanggang lamunin ng dilim

at tuluyang yakagin

ng landas ng pagkawalang-malay

At kapag narating na

ang karimlang pita

sandaling lilimot

Ibabaon sa kahapon ang mundo

habang tahimik na nagmamasid ang gabi

at sumisilip ang nanunuyang buwan

sa pansamantalang kapanatagan.

Ngunit kinabukasan, may magsusumbong kay araw.

Mumulat na namang ikaw ang unang gunita.

Paanong hindi kita maalala?

Unang Ulan sa Aking Mayo

Mayo 14, 2012

Mangungulimlim ang langit.

Magtitipon ang mga ulap sa isang sulok .

Tapos kukulog.

Tapos kikidlat.

Tapos guguhit sa kalawakan ang liwanag.

Tapos maririnig ang nakabibinging ingay.

Papatak ang mga butil ng tubig mula sa langit.

Aambon.

Paisa-isa.

Manaka-naka.

Isasara ang mga naaanggihang bintana.

Ibababa ang mga kurtina.

Papalahaw ang langit.

Dadalas ang pagpatak ng tubig.

Lalakas ang ingay sa latang bubungan.

Hahalik sa lupa.

Sisingaw ang alimuom.

Susuyurin ang mga tuyong teritoryo.

Sisilong ang mga tao.

Tapos luluha.

Hihikbi.

Aagos ang tubig mula sa mata.

Mamamasa.

Magbabaha.

Mamamatay ang ligaya.

Aasa.