Posts Tagged ‘biglaan lang’

Tula (?)

Mayo 6, 2012

 

 

 

 

 

 

 

Ito’y isang pagtatangka

sa pagtahak ng landas ng pagkamakata

na mamili ng titik, mag-ipon ng salita,

bumuo ng saknong, maghanap ng tugma.

 

Ito’y isang pagtatangka

na padaluyin sa ugat ang masining na tinta

na libutin ang isip at bawat hinuha

magpinta ng larawan gamit ang gunita.

 

Ito’y isang pagtatangka

isaletra ang laman ng puso at diwa

sipatin ang dibuho ng nasimulang likha

mag-isip ng pangala’t tawaging tula.

 

Ito’y isang pagtatangka.

 

Advertisements

Toma Session 101

Abril 25, 2012

I.

P’re, paikutin mo na ang baso.

Nagtatagal na sa palad mo

Marami pang naghihintay

Malamnan ang nanghihinging atay

II.

Bosing Tanggero!

Taasan mo naman ng konti ang tagay mo

Bitin pa ang lalamunan ko

Nag-aantay ng guguhit nang todo

III.

Maglabas ka pa ng kornik!

Wala na’ng laman ang platito

O kaya mag-gisa ng kormbip

O bumili ng chichiryang mamiso

IV.

O tsong ‘wag kang sumuka dito

‘Di ako banyo

Tsaka ayokong umuwing amoy tsiko

Mayayari ako kay ermats nito

V.

O asan na’ng gitara?

Magja-jamming tayo ng kanta ‘di ba?

Miss ko na ‘yung Rivermaya,

O kaya bigyan mo ko ng Parokya!

VI.

Sumisigaw na si Aling Tekla

Ala-una na raw ang ingay pa ng tropa

Magrereklamo raw sa barangay

Peste raw tayong mga tambay

 VII.

Mag-iisang round pa ba?

‘Di ko na ata kaya

Nahihilo na ko ng sobra

Narinig n’yo ba yung buwan tumatawa?

Ako ay May Lobo

Abril 25, 2012

pataas,

nang pataas, nang pataas.

palayo, 

nang palayo, nang palayo.

paliit, 

nang paliit, nang paliit.

palabo, 

nang palabo, nang palabo.

hindi na raw makikita?

lalamunin ng ulap

hindi na raw mahahabol?

tatangayin ng hangin

ihahatid sa kalawakan

patungo sa  katapusan.