Wake Me Up When September Ends: Ang Pagbabalik ni Math Titser

Setyembre 19, 2012

Kailan dumating ang “turning point” sa buhay mo? Na-“turn on” ka ba? (ano raw?)

Ako maitututing ko marahil na isa sa pinakamahalagang bagay na natutunan ko eh nung nag-grade two ako.

(enter dramatic musical scoring)

Hindi ko akalain na sa murang edad ay makakatagpo ako ng isang kaalamang magpapabago sa pananaw ko sa buhay. Isang ideyang nananatili hanggang sa puntong ito ng buhay ko. Isang karunungang ikinintal sa aking puso. Tila binhi. Nagkaugat. Tumubo. Yumabong. Namunga. At lahat ng ito ay naganap isang araw noong nasa ikalawang baitang ako. Sa loob ng aming munting silid-aralan, kung saan sinisimulan ko palang pintahan ang aking mundo, upang maging makulay (na parang sinabawang gulay! …. achiche! angkorni ampowtek)

flush Plash plush back Balik-tanaw, tsong: 

Papasok si Mrs. Tuliao sa masikip na klasrum mula sa pinagtatambayang faculty room. Bitbit ang pahabang bag na di ko lubos mauunawaan noon kung bakit araw-araw n’yang dinadala (ngayong ko iniisip na baka lesson plan yon). Syempre, hindi mawawala ang trademark nyang bimpong puti sa likod at mataas na kilay.

Tumayo ang lahat ng klasmeyt ko kung paanong tumitindig ang asong tuwing darating ang alagang amo (ang pangit ng analogy, noh? hihihi random: naisisp ko si Hachiko).

Nagpunta sa harap ang prayer leader – pawisan gaya ng nakagawian. Nag-antanda. Nagsimula.

Eyndyel op gad, may gardyan dir (o kaya sa iba my gardyan eyndyel yung second part)…”

Aalingaw ang boses ng mahigit-kumulang singkwentang mga batang edad mago-otso anyos halos. Matatapos. At susundan nang

“Guuuuud Morneeeenggg, Misis Tuuuu-leee-yaaaaw! “

(standard greeting sa pinas ‘to-its) na kahit araw-araw naming gawin ay masagwa pa ring pakinggan.

Pagkabati ni maam, uupo lahat at derecho na sa harap ang mga attendance monitor per row, at ibabalita sa klase kung ilan ang liban sa pangkat nila.

“I’m soree tu til you that payb of my members in group wan are absen”

At pagkatapos ‘yun na.

Binuklat n’ya ang libro.

“Class, turn your books to page blah blah blah…”

Paborito ko si maam.

Kaya’t kung ano mang sabihin n’ya sinunod ko.

Peyborit ko noon ang English.

Kaya’t nung sinabi n’yang “ternyurbuks”, nagmadali ako.

Nilawayan ko ng matindi ang pinagdikit kong hinlalaki at hintuturo.

Karipas sa paglipat ng pahina. At doon ko natagpuan ang naghatid sa akin sa turning point ng buhay ko:

Lo and behold!

Sabi n’ya:

“Thirty days hath September

April, June and November

all the rest have thirty-one

excepting february alone…”

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa.

Nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.

Eureka moment tsong! I have found it!

Shete! Yung lang pala yon?

edi  No more lonely nights! 

Terty days lang pala ang September!

Yeba!

bow!

***

At syempre, ‘di ko palalampasin na sa tatlumpung araw na iyon eh wala akong magiging post. Na-miss ko ang kawangakan ni Math Teacher! Hello guys! I’m back (takte, feeling sikat)

Advertisements

15 Tugon to “Wake Me Up When September Ends: Ang Pagbabalik ni Math Titser”

  1. CrazyFrog Says:

    Ala naman! Talagang inulit ulit ko yung “thirty days hath… “. Hehhe hinahanap ko ung parteng nakakaiyak….

    Napakamot ng ulo sabay tingin sa kalendaryo
    Napansing malapit ng matapos ang buong linggo,
    Ilang araw at mtatapos na ng buwang ito,
    At lumalapit na ang Pasko… =}

  2. zezil Says:

    Welcome bacckkkkkkk! (Flowers sabit sa leeg mo. Drum and Lyre sa background*) Yay!


  3. haha, isang masigabong palakpakan sa iyong pagbabalik, ginoong guro… mabuhay ang mga titser! hwag kang mag-alala, a few years from now, ikaw naman ang ibibida sa blogs ng mga estudyante mo, bwahaha. gano’n daw yon, cycle of life ang tawag, hihi. hullow! 😉


    • salamat salamat (pahid na nangigilid na luha)
      Sana lang kung sakali mang mangyari ‘yan, wala akong mae-encounter na estudyanteng minumura ako sa blog. hehehe
      cycle of life = ganti-ganti lang. hehehe.
      salamat sa pagwelkam!


      • haha, showbiz, sanay na ata sa limelight, hehe. kaway sa fans, kapatid… ^^

        well, di natin masasabi, kung mumurahin ka nila sa blog o hindi, haha. have you been good, lately? 😉

        maligayang pagbabalik sa pagbabasa at pagsusulat. have a good weekend, titser. 🙂

  4. singkamas Says:

    Hala, baka maging trend sa ‘tin ito, Titser. Once a month post, haha.

  5. Marya Says:

    Maligayang pagbabalik Math teacher. Kung may oras ka, kung di ka busy, baka gusto mong sagutin at tanggapin ang award from Germany. hihihi… http://peryanimarya.wordpress.com/2012/09/24/tausend-dank-for-the-liebster-award/

  6. bagotilyo Says:

    WElcome back sir : )

    nirerecite tuloy ng utak ko yung 30 days hath september .. lol

  7. potsquared Says:

    nostalgic.. ganyan na ganyan talaga ang silid aralan sa pinas!! panalo! ehehehehehe..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: