Reading Challenge 2012

Hulyo 29, 2012

Ang alam ko gagawin ko dapat na tahanan ng mga book reviews ko ang blog na ito. Pero kagaya nga ng pauli-ulit ko nang nasabi, medyo lumihis ng konti ang direksyon nito. Pero wag kayong mag-alala. Hindi naman ako sumira sa aking pangako na ngayon taon ay susubsob ako sa pagbabasa. Lalo pa’t naparami na ang mga nakatambak kong libro sa munti kong estante (mga binili ko sa bookstore at nahagilap sa booksales).

Noong bakasyon, naisipan kong gumawa ng account sa Goodreads. At doon ko nakatagpo ang Reading Challenge 2012. Kung gusto nyo’ng malaman kung ano ‘yon, hindi na kailangan ng malalim na pag-iisip at out-of-this-world na paliwanag. ‘Yon na nga ‘yon. Kung ano ang ibig sabihin ng pangalan. Reading Challenge. Hehe. Kumbaga, gagawa ka ng pangako kung gaano karami ang librong babasahin mo sa taong ito. At tutulungan ka ng Goodreads na maglista. Ngayon, mayroon nang 257,407 na katao na sumali rito at 15,359,919 ang bilang ng mga librong ipinangakong tatapusin ngayong taon. At sa bilang na mga ito, 756  na ang mga nakatupad ng Challenge. At masaya ako dahil ngayong araw na ito, kabilang na ako sa mga numerong yan! (Click nyo na lang yung picture medyo hindi kasi convincing sa anggulong yan. hihi.)

Isa ang pagsali sa Goodreads at partikular na sa Reading Challenge 2012 sa mga desisyon na ikinatutuwa ko ngayong taon. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na basta nadadala sa encouragement at mabulaklak na usapan lang. Napansin ko, madalas mas nakakapag-deliver ako ng maayos kapag may kasamang pressure at pananakot. Hindi naman sa wala akong inisyatibo o ano, at hindi rin dahil saduwag ako. Mas umeepekto lang talaga sa akin kapag alam kong ‘pag may bagay akong hindi ginawa o hindi tinupad, at alam kong kailangang-kailangan ko s’yang gawin ay mabibigo ko ang sarili ko o ang ibang tao. At ayokong-ayoko yung pakiramdam na may maha-hassle akong iba. Kaya para tuluyan kong matapos ang bagay na sinimulan ko, dapat palaging may magpapaalala sakin na dapat kong tapusin ang bagay na yon. Kaya nga trip na trip ko yung Reading Challenge Widget na tipong panampal sa mukha ko kapag dumadaan ang isang linggo na ‘di man lang nadaplisan ni cover ng libro ang mga palad ko.

Hindi naman karamihan ang mga librong ipinangako kong basahin ngayong taon. Kakaunti lang. Kahit na gusto kong maging mapangarapin at sabihin sa sarili kong kaya kong ubusin lahat ng librong nakatambay, inaalikabok at baka nga tinubuan na ng amorseco sa bookshelf ko, eh naging makatotohanan na lang ako sa pagbibigay ng bilang. Sabi ko, swak na siguro ang kwarenta – hindi ganoon karami, at di rin ganoon kakonte.

At eto ang First 40 ko sa taong ito (mula sa pinaka-unang nabasa hanggang sa huli):

1. Ist to Die (James Patterson)

2. The 9th Judgement (James Patterson)

3. The Jester (James Patterson and Andrew Gross)

4. Lumayo Ka Nga Sa Akin (Bob Ong)

5. The Lightning Thief (Rick Riordan)

6. The Sea of Monsters (Rick Riordan)

7. The Titan’s Curse (Rick Riordan)

8. The Battle of the Labyrinth (Rick Riordan)

9. The Last Olympian (Rick Riordan)

10. Harry Potter and the Sorcerer’s Stone (J. K. Rowling)

11. Harry Potter and the Chamber of Secrets (J. K. Rowling)

12. Harry Potter and the Prisoner of Azkaban (J. K. Rowling)

13. Anansi Boys (Neil Gaiman)

14. The Book Thief (Markus Zusak)

15. The Hunger Games (Suzanne Collins)

16.  Catching Fire (Suzanne Collins)

17. Mockingjay (Suzanne Collins)

18. Norwegian Wood (Haruki Murakami)

19. Hard-boiled Wonderland and the End of the World (Haruki Murakami)

20. A Wild Sheep Chase (Haruki Murakami)

21. Alamat ng Gubat (Bob Ong)

22. Macarthur (Bob Ong)

23. Kapitan Sino (Bob Ong)

24. Ligo na U, Lapit na Me (Eros S. Atalia)

25. The Chronicles of Narnia: The Lion, the Witch and the Wardrobe (C.S. Lewis)

26. The Chronicles of Narnia: Prince Caspian (C. S. Lewis)

27. The Chronicles of Narnia: The Voyage of the Dawn Treader (C.S. Lewis)

28. The Chronicles of Narnia: The Silver Chair (C.S. Lewis)

29. The Chronicles of Narnia: The Horse and His Boy (C.S. Lewis)

30. The Chronicles of Narnia: The Magician’s Nephew (C.S. Lewis)

31. The Chronicles of Narnia: The Last Battle (C.S. Lewis)

32. Ang Paboritong Libro ni Hudas (Bob Ong)

33. ‘Wag Lang ‘Di Makaraos (Eros S. Atalia)

34. Love in the Time of Cholera (Gabriel Garcia Marquez)

35. Memories of My Melancholy Whore (Gabriel Garcia Marquez)

36. For One More Day (Mitch Albom)

37. Jonathan Livingston Seagull (Richard Bach)

38. The Alchemist (Paulo Coelho)

39. The Filipino Heroes League: Sticks and Stones (Paolo Fabregas)

40. Catch a Falling Star (Cristina-Pantoja Hidalgo)

Mga Napansin Ko:

-Labu-labo ang mga nabasa ko. Kung ano ang madampot at mainteresan.

-Pag nagustuhan ko ang writer, madalas nagfa-follow up ako agad ng iba nyang gawa

-Maraming fantasy at pang-bagets

-Halos kontemporaryo lahat, hindi lalampas sa lima ang medyo may kalumaan na

-Hindi na rin masama ang makabasa ng gawa ng apat na pinoy. Dadagdagan ko yan sa susunod

Mga Pag-amin:

-Pinaka natuwa ako sa mga gawa ni Murakami at humahanga ako sa istilo ng kanyang pagsulat

-Sobra kong naenjoy ang pagbabasa ng mga librong pambagets. Nagpapasalamt ako sa Percy Jackson Series

-Medyo natuwa ako sa Harry Potter pero nasa kalagitnaan pa rin ako ng Book Four

-Pinaka-challenging ang pagbabasa ng Love in the Time of Cholera (ang haba kasi)

-Pinaka light ang Gaiman at Bob Ong

-Sobrang na-disappoint ako kay Atalia noon sa Ligo na U. Pero naa-appreciate ko na sya at ang pagsusulat nya ngayon dahil sa Wag Lang…

-Pinaka may tama sa akin ang Kapitan Sino ni Bob Ong at ang The Book Thief

-Pang-Kristyano pala ang tema ng Chronicles of Narnia

-Masarap magbasa sa madaling araw, pag nag-aantay ng bus at fx (dati nayayabangan ako sa mga nakikita kong gumagawa nito) at twing may bakanteng oras sa trabaho

-Iba pa rin ang magbasa ng aktuwal na libro na naaamoy mo kesa sa ebook

***

Putulin ko na dito. Ang haba na eh. Magpapatuloy pa rin ako sa pagbabasa. Natuwa lang ako at natapos ko na. Kongrats sa sarili ko!

Advertisements

23 Tugon to “Reading Challenge 2012”


  1. ang husay, naka-40 ka na for 7 mos, wowie, sipag… 🙂

    oo, medyo heavy si GGM, madetalye ang paglalarawan and ka-blam usually ang ending, hihi. have fun reading more. 😉

  2. chilledhoney Says:

    And you have time to read! I envy you! 🙂

  3. ylbnoel Says:

    i love the choices. thanks for sharing Prof 🙂

  4. potsquared Says:

    congratulations!!! bilib ak osa mga tulad mong matiyaga sa pagbabasa!! keep it up!!

  5. krn Says:

    Gusto ko basahin lahat yan kaso wala akong oras. Isang book palang antagal tagal ko na binabasa. Hays. Gusto ko yung kay C.S. Lewis. 😉


    • Hi! Long overdure reply. Sorry.
      Okay yung kay C.S. Lewis. Mas natripan ko kesa sa Harry Potter. Actually yung kopya ko, ebook format. Marami ka madadownload ng libre sa internet. Tuwang-tuwa nga ako eh. Good series. Di ka magsisisi. 🙂


  6. I envy you. You have so much time too read. Can you lend me some of your books? 😉


    • Hi. Overdue na overdue ang reply ko. Sorry ah. Medyo naging busy sa trabaho (todo paliwanag eh no? napaka-defensive!)
      Sinisingit ko lang ren sa hectic sked ang pagbabasa. Madalas bago matulog o kaya pag weekends. 🙂
      Most of the books listed here are ebooks eh. But if you live near my place I can lend you some of my “tangible” books. Books and the joy of reading are meant to be shared 🙂
      Thanks for dropping by!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: