Hello blogger friends!
Dulot marahil ng malakas na hangin at ulan na ilang araw ko nang nararanasan buhat nung Miyerkules sapagkat di ko na na-claim yung payong ko sa ospital kung san nanganak yung asawa ng kuya ko (ano nga ba yung term dun sa Filipino?) at umuulan pag umuuwi ako at dahil sa feeling loser ako dahil kahapon ko lang napanuod ang The Amazing Spider-man at naabutan na siya ng The Dark Knight Rises na naging sanhi ng pagkamatay ng ilang katao sa Amerika eh nahipan ng masamang hangin ang ulo ko at naisipan kong gumawa ng panibagong blog! hihi.
Kung may oras kayo mga kapatid sa pananampalataya ay maari ninyong bisitahin ang isa ko pang blog ang The Learned Ignoramus na aking blog sa pagtula-tula ta pagsulat-sulat. Medyo seryoso lang tayo ng konti don mga brader. Ngapala wala pa talagang bagong mga nakasulat dun, kinompayl ko muna yung ibang mga tulang nai-publish ko dito sa themathteacheralsoreads. Ang bago lang don yung pinaka-unang post yung The Ignoramus Writes .
Salamat in advance.
***
Dahil rin sa ulan eh parang nasa mood akong mag-post ng picture ko dito. hihihi. Hanapin nyo na lang kung nasaan si Sir Caloy dito sa litratow. Hanapin nyo na lang yung mukhang teacher. Kinuha to some time last month nung nagkita-kita kami para sa binyag nung anak nung isa dito. College friends ko sila plus my favorite college prof.
At nga pala, proud tito na rin ako. May bago nang addition sa family namin! Si baby Zeke!
Yon lang! I-enjoy ang pagtulog habang malamig sa gabi!
Hulyo 21, 2012 Sa 9:54 hapon
Hi Sir Caloy! Sige, dadaanin ko sa process of elimination. Dahil lalake ka, minus 2. Tatlo na lang! Imposible namang ikaw ‘yung lalake sa kanan dahil early twenties ka pa lang. So dalawa na lang!
Kaso hirap na akong i-identify kung alin ang mas posibleng Sir Caloy. Maalin doon sa dalawa (naka-red o ‘yung nasa gitna). Hahaha! 😀
Hulyo 21, 2012 Sa 10:27 hapon
Hahaha. Mukhang marami kang natutunan sa Geometry ah. Nahasa ang lohika. Tama . Isa nga ako sa dalawang pinag-pipilian mo.
Hulyo 22, 2012 Sa 8:32 umaga
hello ser, ano magiging pagkakaiba ng blog na ito sa bago mong blog? sipag mo masyado ser hehe
Hulyo 22, 2012 Sa 10:35 umaga
Hello ser! Salamat at napadpad ka ulet dito. Balak ko pong gamitin yung isang blog sa pgsusulat ng poetry at iba pang komposisyon, hindi po kagaya rito na puro kalokohan at pautot lang. 🙂
Salamat sa pagdalaw.
Hulyo 23, 2012 Sa 4:20 hapon
hello, kapatid na titser! congrats on your new site and your brand new pamangkin. 🙂 masarap magkaroon ng baby sa pamilya, as in… sobrang cute, pwedeng laruin at pag messy or ayaw nang tumahan, ibalik sa parents or sa lola, hihi… ^^
btw, di masyadong mahaba ang intro mo – o, hindee! 😉 ah, basta, i’ll take it na ikaw ang pinaka-pogi sa group pic? hihi…^^
daan ka pala minsan sa site – boto ka aling tula ang ipa-publish, kapatid. naman… may epekto ang mga tula-tula nyo ni lyndon sa mga tula-tulang nahabi ko, recently, ‘lam nyo ‘yon? ayon… basta, daan ka minsan. salamat… hope things are better, di na masyadong maulan. 😉
Hulyo 23, 2012 Sa 9:47 hapon
hahaha. natawa ko sa first paragraph. kuhang-kuha. saktong-sakto. ganyang-ganyan nga ako. hihihi. at tenks tenks ren pala.
hahaha. ikaw naman ang galing mo masyadong manghula! hihihihi. teka. alin ba dyan ang pinaka-gwapos? hahahaha
ah. nabasa ko nga yon. akala ko nakapag-publish ka na sa mga choices dun. sige kapatid dadaan ako.
na-platerd naman ako masyado dyan. tisyu nga. hihi. pero ako ren ah. seryoso to. taas dalawang kamay ko sama pati mga paa sa husay mo sa Filipino at sa mga komento mo sa aking matalinghaga! 🙂
Hulyo 24, 2012 Sa 10:40 umaga
Very cute! 🙂
Hulyo 24, 2012 Sa 8:54 hapon
Si Math Teacher ba o si Baby Zeke? O baka yung blog? hihihi. Kapalmuks ko lang. Anyway, salamat sa pagdalaw! 🙂
Hulyo 25, 2012 Sa 4:58 hapon
bilas ata ang tawag sa asawa ng kapatid mo.. di ko rin sure.. eheheh congratulations!! sa bagong baby at sa bagong blog!!
Hulyo 25, 2012 Sa 9:32 hapon
ah! bilas pala yun. di ko maalala eh. hehehe.
tenks master! maraming salamat ren sa pagbalik-balik dito.
Hulyo 25, 2012 Sa 10:06 hapon
pag tinatawag akong master para akong sardinas.. pero salamat.. potpot na lang tawag mo sa akin.. at hindi ako magsasawang pabalik-balik.. sana ay di ka magsawa sa pag like ko at pag comment ng sabay-sabay..