Wag Lang ‘Di Makaraos

Hunyo 16, 2012
Mas nagustuhan ko ang atake ni Eros sa mga dagling napabilang sa librong ito. Muli, napatunayan ang personal kong hinala na mas magiging nakaka-aliw ang porma ng kanyang panitikan kung hindi ito magiging napakahaba (na tulad ng Ligo na U, Lapit na Me). Sa anyong ito, mas nadama ko ang kanyang indibidwalidad bilang manunulat, kung anong klaseng pag-iisip ang taglay ni G. Eros Atalia.Pinatunayan rin ng akdang ito kung gaano kalaki ang kaibahan ng paraan ng pagpapatawa ni Eros kay Bob (sorry na, nabanggit ko na naman si Bob). May sarili siyang istilo, na kung ipapapatuloy nya, sa palagay ko ay isang potensyal na maaring magluklok sa kanya sa parehong liga ng tagumpay na nakamit ni Ong.Marami akong naibigan. Maituturing kong personal na umangat para sa akin ang kanyang “Si Maam Kasi” na tumalakay kung paanong madalas ay pinaniniwalaan natin kung ano lang ang mga nais nating paniwalaan at ang “Birthday Wish” na sa aking palagay ay papasang bagong commercial ng McDo sa taglay na kadramahan.

Dahil dyan, napabili tuloy ako ng bago nyang libro sa NBS kanina, ang IT’S NOT THAT COMPLICATED.

Sana magustuhan ko rin ‘to. (kasi so far, sa 3 Eros Atalia books na pag-aari ko at nabasa ko, nakaka-one point pa lang sya.)Irerekomenda ko ang librong ito sa aking mga kaibigan. hihihihi
P.S.
Salamat kay DwightD ng Ang Nasasakdal dahil na-engganyo akong bilhin ang librong ito ng mabasa ko ang review nya. Special mention sa’yo!
Advertisements

14 Tugon to “Wag Lang ‘Di Makaraos”

  1. DwightD. Says:

    Wow! Your welcome Sir! (Pero mali ang link niyo sa ‘kin, kulang ng “dotcom”, hahaha!)

    Ang bilis talaga Sir Caloy ng humor sa Wag Lang Di Makaraos. Hindi nakakapagod basahin, at madaling unawain. Doon ko naging idol si Sir Atalia. XD

    Pero nabili ko na ‘yung It’s Not That Complicated at nabasa ko na rin po. Di ako Sir mag-s-spoil pero di ko siya nagustuhan. Parang may mga pangyayaring paulit-ulit na lang na ikwinento na hindi ko alam kung kailangan pa ba talagang isalaysay (at detailed talaga every time!) . ‘Yun lang po.


    • Ahahaha. Lemme fix that. Sayang ang libreng plugging! hehehe (shepaks kala mo andaming nagbabasa ng blog ko eh no? hihihi)

      Talaga? Nako. Nakaka-isa o dalawang pahina pa lang ata ako eh. Sige. Tignan natin. Salamat!

      • DwightD. Says:

        Oo nga Sir e. Dagdag din ‘yun sa pageviews ng nilalangaw kong blog. Hahaha! Pero Sir, kapag may kahit isang view ang blog niyo sa isang araw, asahan niyong akin ‘yun. Araw-araw ko kaya ‘tong binibisita (walang halong pa-sipsip). Promise! XD

        About sa It’s Not That Complicated, baka magustuhan niyo pa rin po dahil may mga magaganda din namang anggulong sinundot si Atalia dito. Kaso, kung katulad nga po sa Ligo na U na “awkward” ang pagpasok ng mga opinyon, malamang ganun dito. Naku, di na ko magsasalita. Baka magkaroon ito ng negative mindset sa pagbabasa niyo ng libro. Hahaha! Enjoy Sir!


      • Nako naman. Ambait naman nito magcomment. Nakakatuwa naman. Salamat!

        Nakakahiya naman sayo kung gano kasi hindi ako nakaka-update dito araw-araw. 🙂

        AH. Hmmmmm. Sige susubukan kong tapusin to bukas tapos babanggitin ko dito kung natripan ko sya o hindi. Salamat na rin at least alam ko na kung anong ie-expect. 🙂

        Salamat ulet!


  2. Pakibalitaan na lang kung okay nga sya. Wala pa ‘kong nabasang Atalia eh. Wait lang me sa u 😀

  3. ljsdeleon Says:

    Sige nga. Susubukan ko rin siya brader. :p


  4. Maraming salamat sa review. Ngayon, bubuksan ko na ang librong iyan na noong Disyembre ko pa binili. 🙂

  5. bagotilyo Says:

    eggsited na kong basahin ang book na ito.. .hehe

    may copy na din me :))


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: