Persdeyhay ni Titser

Hunyo 13, 2012

DISCLAIMER: Wangak post ito. Mga saktong kwento lang at pautot. Walang patutunguhan. Yown.

Dear Diary,

Carlo sat beside me today (kung napangiti ka ibig sabihin naalala mo etong oldskul na commercial na ito na isa ring korning paraan para simulan ang isang blog post)

First Day of School kanina!

Nampotek. Feeling estudyante lang. Hihi. Teacher nga pala ako.

At dahil pasukan na, iiwasan na muna natin ang mga kaemohan post (mali, tatangkain lang palang iwasan. Baka talaga di mapigilan eh. Pagpasensyahan nyo na. Sabi naman nung isa nating Sir master idol boss at katoto nating si Brader ljsdeleon eh astig naman raw ang pagkaemo namin eh <uuuyyyyy libre plugging sa blog nya… hihihihi…>. Pero por deseyk of dis nyu iskul yir, eh sisimulan nating mag focus muna sa mga gawaing pangguro katulad ng noynoying at pagtitinda ng tocino sa klase )

Eh teka. Pangatlong taon ko na itong nagtuturo ah. Bakit karapat-dapat paglaanan ng blog post ang taong ito? Anong espesyal sa kanya ngayon? Ano ba ang bago sa buhay ni Titser ngayong taon bukod sa bigong lablayp? Mananalo ba sya sa lotto this year? Makukulong ba ang character ni Dawn Zulueta sa Walang Hanggan katulad ng ipinapakita sa patalastas? At ano ang magandang paliwanag kung bakit napasama ang huling tanong na yan?

Anu-ano ba ang bago sa akin this year ?

Okay. Isa-isahin natin. Simulan natin dun sa subject na ituturo ko. O yung tinatawag na TEACHING LOAD.

Ang totoo, pareho pa rin naman ang mga klaseng ibingay sa akin. Katulad ng dati, ikatlong taon ko nang ituturo ang Statistics at Precalculus sa Second Year at Fourth Year respectively. Dahil Grade 7 lang naman ang apektado pa ng k+12 at di pa naman damay ang mga naturang chikiting eh alaws naman problema.

Meron akong apat na klase sa sikundyir at dalawa naman sa fortdyir. Bale overload ako na ikinatutuwa ko na rin kabit papaano dahil dagdag kita ito at hindi nako magsa-sub sa klase ng iba. halatang mukhang pera ako… this year. Hawak ko ang 2A, 2E, 2G, at 2H sa sikundyir at ang 4F at 4D Pull out sa Fourth year. Yung Pull out class eh iyon yung mga pinagpalang bata ni Prinsesa Batong Orange (kilala nyo ba to? Yung na-feature dati sa MGB?)Bigla ko lang syang naisip.) Sampu lang sila. Sa kanila kinukuha yung mga pinanlalaban sa kontest. Hindi ko nga alam kung bakit pinagkatiwalaan na naman ako ng admin na hawakan ang klaseng yan. Hindi na sila nadala sakin last year gayong puro kalokohan, kwentong barbero, pabula, alamat, jejemonism 101, Tips sa Tamang Timing sa Pagbitaw ng Jokes, at konting Math lang naman ang itinuro ko sa nakaraang batch. Hindi na sila natuto. Hmmpp. (ako pa raw ang galit? kapalmuks talaga putek)

So yun. Yan ang mga little children batang tuturuan ko.

Ano pa ang bago?

Yun. Di kagaya last year kung saan Second Year ang year level ko (ganoon kasi yun, lahat ng teachers samen naka-base sa isang particular year level) at Sikundyir ang Advisory class ko, eh nasa Fourth Year naman ako ngayon gaya nung first year of teaching ko. Pero mga ‘dre, lumebel-ap tayo konte (lebel-ap raw si lukutoy oh?) kasi ngayon eh me Advisory Class na tayo sa Fourth Year. Di na lang tayo section – based teacher gaya noon! From 2G last year, eh 4F naman tayo ngayon. Nabago na rin ang katoto nating santo. Mula kay St. Rita of Cascia eh St. Fulgentius of Ruspe na tayo. Ayun. Adjust-adjust ren.

At dahil ang eskwelahang pinagtatrabahuan ko eh factory ng mga artista (initials  na lang, the likes of K.A.ng dos, L.M. ng dos, H. E. ng syete, J.D. ng cinco, I.V. ng dos, D. D. ng dos, B.P. ng syete) eh inasahan ko na rin na meron akong estudyanteng related sa shobiz. Meron nga. Nasa klase ko yung anak ni C.C.Q. na si Ms. A. A. D. A. ng dos. Yun. Absent kanina. Sabi nung mga kakilala nasa Tate pa raw. Aba. Di pa ata tapos ang bakasyon.

Ano pa ba?

Ah. Me mga bago akong trabaho. Officer pala ako ng Faculty Club tapos ako rin yung may hawak ng Mu Epsilon (Math Club). Naisip ko lang, medyo marami pala akong trabaho this year kaya malamang sa malamang talaga eh madalang ko nang mabisita tong bahay ko rito. tsk. tsk.

So par yun lang naman mga updates sa buhay titser ni Ser Caloy.

Ano ginawa kanina?

First day kaya orientation muna! Syempre nanghingi ako ng makasaysayang First Impression at Expectations (pero mga brader, me twist! pinakanta’t sayaw ko yung mga bata). Tapos nagdiscuss ako ng 124 slides na Discipline Guidelines, 25 Slides na Academic Guidelines at 34 Slides na Duties and Responsibilities of Class Officers. Tapos konteng my name is blahblahblah, tapos fill out ng info sheet, bigay homework (magdala ng recent 1×1 pictures). Tapos nagkaroon ng makasaysayan ring Election ng Class Officers. Pero bago nagsimula lahat yan, meron munang Departmental program kung saan pinakilala ang lahat ng teachers. Alam mo agad sa tili ng mga yung mga teacher na trip nila talaga at yong mga trip lang nilang pagtawanan. yon. Okay lang naman.

Ano pa ba? Yun na lang muna. Update na lang ulet pag may bago na.

Yun lang.

Labingly Yours,

Sir Caloy

Advertisements

11 Tugon to “Persdeyhay ni Titser”

  1. potsquared Says:

    parang natakot akong maging teacher ka.. buti na lang hindi ako artistahin… ehehehehehe congratulations sir!

  2. ljsdeleon Says:

    Hahaha! Salamat ng marami Brader sa plug! Yamo’t ipagdadasal kita bukas sa aming Red Mass ng makabawi-bawi naman ako! 😀 (Huhula ako, Colegio de San Agustin ba ang skul mo brader? Talagang naintriga ako! Haha!)

  3. DwightD. Says:

    Naks Sir! Ang astig niyo sigurong teacher (nai-imagine kong ika’y gwapong binata na magaling mag-speech, LOL) . Sakto, may Calculus na kami ngayong fourth year. May pagtatanungan na ako. Hahahaha!


    • Buti na lang imaginative ka bata! Kung binase mo kasi sa katotohanan eh slightly true langyan (naks hahahahaha). Nako hijo, pag nakita mo ko sa personal walang tama dyan sa mga binaggit mo bukod sa binata. Yung gwapo mga 25% lang, yung magaling mag-speech 10%.

      Basta kaya kong sagutin, sige lang! Anong Calculus ba yan?

      • DwightD. Says:

        Baka naman tama talaga ako SIr, o kaya nagpapaka-humble lang kayo. Hahahaha!

        Pre-Cal lang yata Sir ang amin. Basta ‘yung curriculum ng SSC. Ganun. 5-6PM ang sched namin kaya minsan ay napapagpaliban ang klase. Ang naalala ko lang na pinagawa sa amin ay pinagsagot kami ng mga algebraic questions na wala akong kaide-ideya.


      • Hahaha. Nako. Sinasabi ko sayo. Hahahaha.

        Ah. Kung Precal, sakto kasi nga yon ang tinuturo ko. Tipong Permutations, Combinations, Probability, Trig Equations, Functions, relations, Conic Sections,etc. Yown. Kung mayitatatnong ka at available ako para sumagot bakit hindi.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: