Bago Ako Matulog

Hunyo 11, 2012

Iiwan kong bukas ang bintana ngayong gabi

at hahayaang maglabas-masok ang hangin

na inaasahang maghehele sa kaluluwang pagal

at maghahatid sa lawak ng landas ng mga panag-inip

kung saan may ligayang hatid ang pantasya

bagama’t nananatili ang kabatirang huwad ang lahat.

 

Hahawiin ko ang kurtinang humaharang

nang sa gayo’y tanaw ko ang madilim na kalangitang

hindi pinalad makadaupang-palad ang mga tala sa mga sandaling ito

subalit tinuring na kaibigan at kaagapay

ng mga pusong hindi maikahon ang pananabik sa paghahanap

ng tahanang kakanlong at tatanggap nang walang alinlangan.

 

Bibitbitin ko ang pinakamatamis na ngiti

bago magpahinga ang talukap, humalik ang likod sa kama

at pansamantalang ipinid ang mga mata

taglay ang pag-asang sa pagdalaw ko sa landas na iyon ngayong gabi

ay ngingiti pabalik ang pag-asang magpapaalala

na mas masaya ang mamuhay sa katotohanan kahit may mga bagay na wala na.

Advertisements

14 Tugon to “Bago Ako Matulog”

  1. zezil Says:

    Aray naman ito.

    Ganto ka pala mag “let-go” ah….

  2. duking Says:

    magaling kang manunulat ng tula. patuloy ka pa sanang mag bahagi!


  3. “na mas masaya ang mamuhay sa katotohanan kahit may mga bagay na wala na.”

    aray ko! paano ang mga nakulong na sa daigdig ng pantasya, tattered, desperate pero languishing doon? paano? sige nga, sagutin mo… hihi. 😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: