Hindi Sinungaling ang Madaling Araw

Hunyo 1, 2012

Walang ginhawang dinulot ang ulan sa madaling araw. Ni hindi napawi ang init na iniwan ng lumipas na magdamag. Mabigat man ang bawat patak sa lupa, ingay lamang sa bubungan ang napagtagumpayan nitong likhain. Wala ang inaasahang lamig na hiniling kong magbibigay buhay sana sa nakatupi ko pang kumot mula kahapon.

Kaalinsabay ng pagpalahaw ng langit, tuluyan na rin ang pagkawaksi sa katahimikang kanina’y tila kayamanan kong itinangi. Pakiwari ko, pati ang kadiliman na ilang minuto lamang ang nakalipas ay namayani sa kalawakan ng aking silid at maging sa apat na sulok nito ay tuluyan na n’yang nabulabog.

Lipas na nga ang oras ng luwalhati. Lipas na ang oras ng pag-usal ng mga mahihinang dasal na hindi naman talaga nais iparinig kaninoman. At sa ilang saglit, katulad ng mga nakaraang madaling araw na sumayaw sa himig na gawa ng pagpatak ng ulan, bubuhos na muli nang isa-isa ang mga alaala mong tila multo akong hindi tinatantanan hanggang ngayon.

Subalit may kakatwang naganap sa sandaling ito. Sa unang pagkakataon, tila wala akong takot na nararamdaman sa dibdib. Sa halip, mas matindi pa ang pagnanasa kong muli pang masilayan ang iyong mukha sa aking gunita. May kung anong tinig na umuudyok sa aking kakaiba ang magaganap sa araw na ito. Kung paanong walang lamig na dulot ang ulan sa magdamag, may nagsasabing hindi rin pangkaraniwan ang magaganap mong pagdalaw.

At dumating ka nga. Dumating ka suot ang puting blusang sya mo ring suot nang huli tayong nagkasama. Mula sa bukas na bintana at tanaw ng lumuluhang langit, patakbo kang nagtungo sa kinaroroonan ko. Ang huli kong rekoleksyon ay nakatayo ka pa sa paanan ng aking kama kaya’t hindi ko namalayan ang mabilis mong paglipat sa aking tabi.

Hindi ako kumilos ni katiting. Sa pagkakataong iyon, wala akong ibang binalak na gawin maliban sa titigan ang iyong mukha. Doon ko napansin ang pag-agos ng iyong mga luha na tila nakikipagpalisaghan sa ulang nagaganap sa labas.

Unti-unti, naramdaman kong ibinaba mo ang iyong mukha at dahan-dahan mong idinikit ang iyong labi sa aking pisngi. Umusal ka ng ilang mga kataga – ang mga katagang inaasahan ko sanang binanggit mo bago pa sumapit ang lahat ng naganap na ito.

Subalit ang mga salitang tinuran mo ay batid nating walang kahulugan.

Hungkag.

Pilit.

Walang patutunguhan.

Mapanlinlang ang dila at ang alaala.

Subalit hindi nagsisinungaling ang mga madaling araw ko.

Advertisements

13 Tugon to “Hindi Sinungaling ang Madaling Araw”


  1. hello, teacher,

    alin kaya ang mas nakaka-oppress – ang init sa madaling-araw sa panahong bumubwelo ang tag-ulan o yaong pagkasabik sa isang taong ayaw magpaawat? ahihi, alin nga kaya? ang lagay ay naitatanong lang naman… ^^

    kumusta na? hihi. 😉


  2. hello, teacher,

    baka, you’d like to try joining an essay-writing contest, 4 hrs from now ang deadline, ahihi. try lang, dito – http://kainaman.wordpress.com.

    mahusay kang maghabi, give it a try. regards! 🙂

  3. ljsdeleon Says:

    brader, long time na ah! 🙂


    • High Five Brader! Musta? Onga eh. Simula nung nagsimula yung reporting sa trabaho eh napadalang na ang pagbisita ko rito sa mumunti kong virtual haven ( putek ang OA ng tawag ko). Delikado nga eh baka lalong mas mapadalang pag nagsimula na pasukan ng mga bata.

  4. bagotilyo Says:

    clap clap clap..

    *standing ovation*

    🙂

  5. singkamas Says:

    Ang husay mo, Titser Caloy! 😀

    “Walang ginhawang dinulot ang ulan sa madaling araw. Ni hindi napawi ang init na iniwan ng lumipas na magdamag.” Sira siguro electric fan.

  6. DwightD. Says:

    Paulit-ulit ko po ‘tong binabasa Sir Caloy. Ang ganda. As in ang ganda talaga! Ramdam na ramdam ko ‘yung kalungkutan noong nagsasalaysay. And as usual, magaling ang pagkakahabi ng mga salita. 🙂

    Alam niyo Sir, paminsan-minsan. involuntary kong naalala ‘yung mga titles nung tula niyo. Lalo na ‘yung “Paanong Hindi Kita Makikilala?”. Wala lang. Tapos babalikan ko dito at babasahin ulit. At pati itong “Hindi Sinungaling ang Madaling Araw”, palagi na lang sumasagi sa isip ko. Title pa lang, makahulugan na.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: