Bago ka pa magregalo

Mayo 16, 2012

bago pa punitin ni mama ang kalendaryo

at magpalit ang buwan mula Abril papuntang Mayo

ay kukunin ko ang lapis at ruler mong niregalo

lilinya, guguhit, dadagdagan ang araw nito.

 

bago pa umulit ang orasan ng alas kwatro

at humiwalay ang antok sa nakahilatang katawan ko

ay kukunin ko  sa garahe ang plais mong niregalo

at pipihiting pabalik sa ala una ito.

 

bago pa tumilaok ang tandang na pabibo

at magsisunuran ang mga lintik na kalahi nito

ay kukunin ko sa kwarto ang panyo mong niregalo

bubusalan ang tandang bago kumawala ang tono

 

bago pa bumuka ang mga labi mo

at sabihin ang gudbay na kinatatakutan ko

ay kukunin ko sa kusina ang kutsilyo mong niregalo

 

 

palagay ko alam mo na ang gagawin ko.

🙂

 

 

 

Advertisements

21 Tugon to “Bago ka pa magregalo”


  1. Napakadilim naman nito. O iniisip ko lang talaga na madilim ito? Pakibukas ang ilaw.

  2. singkamas Says:

    Ahh, iyong idadait ang kutsilyo sa bahagi ng iyong leeg na kinaroroonan ng carotid artery tapos unti-unti, marahan mong pababalik-balikin na parang lagari ang daplis ng kutsilyo hanggang sa maramdaman mo na ang pag-agos ng mainit na likidong siyang buhay mo. Tapos, the end.

  3. ljsdeleon Says:

    Brad may explanation si pareng Sigmund Freud dito… dark / gallows ang sense of humor mo sa mga oras na to. 🙂 (ayan ah, may smiley sa dulo.)


  4. hello, TMTAR! 🙂

    ang husay humabi ng tula
    ang magkabit-kabit ng mga salita
    nais takasan niyong diwa
    pag-ibig na nagwawala. 😉

    ahaha! that bad, eh? kailangang isali ang carotid artery? i’d say, you are well-advised by the people above, kapatid. ^_^

    sabi, the only cure for love is to love more. indeed, it is terrible! what the hey, it doesn’t happen everyday… 🙂

    chill! ang init pa rin,eh… ^^


    • hehe. don’t worry. di naman ako ganun ka-desperado. 🙂
      good advice. true. 🙂
      oo nga eh. init pa rin eh.
      salamat sa pagtambay. 🙂


      • hello! dito ba ang palitan ng hihi at smiley bukas? 😉 ahaha, bukas pa! 😉 btw, hwag sanang isali ang kutsilyo. ayaw ko nang violent, hanggang dahon lang ang kaya me. 😉


      • mabait kaya ako! sabi nga ni bagotilyo maghihiwa lang ako ng repolyo. tsaka carrots. magpapansit kasi ako.
        hihihihihihi raised to the nth power 🙂


      • ay, oo, si bagotilyo? expert yown… nabasa mo na ang moving on stage 3 nya? 😉 bihasa yon sa paghihilom ng sugat at sa paghihiwa ng repolyo, as in… one time, pinaggagayat ng repolyo para sa nilaga e, since sawi, naging pang-coleslaw ang gulay, saklap lang.

        hey, kathang-sip ko lang ang kwentong ‘yan, ha? hihi 😉

  5. buhaylibro Says:

    Hahaha Ok natawa ako sa Ending putcha, habang binabasa ko medyo nilalagyan ko pa ng tono, parang kinakanta ko sa isip ko, hahah biglang ganun. hahaha apir galing. haha

  6. krn Says:

    Minsan gusto ko rin gawin yan eh…

    Kumitil ng buhay. Haha! Kidding. 😉

  7. bagotilyo Says:

    palagay ko alam mo na ang gagawin ko.

    maghihiwa ako ng repolyo?? hehe

    tama nga mas morbid ka kesa sakin :p


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: