Toma Bersyon Mo (aka Toma Session 101 Ver. 2.0)

Mayo 15, 2012

Sagrado ang kopitang may gintong likido ng pampalimot.

Sagrado ang bawat patak na sasayad sa lalamunan

sa pagtatangkang burahin ang mga alaalang masalimuot

ng istoryang masaklap ang kinahantungan.

 

Sagrado ang kopita sa pagtawag ng espiritu

at sa pagpipinta ng mapulang kulay sa pisngi

na siyang huhudyat sa mundong magsisirku-sirko

at sa mga taingang pansamantalang mabibingi.

 

Sagrado ang kopita sa pagbubuhol ng sikmura

at sa pagpihit at pagbulwak ng nilalaman nito;

sa pagdipa at paggalugad ng dingding na makakapa

bago ang banal na pagluhod sa harap ng trono.

 

Sagrado ang likido na pampalakas ng loob

isiwalat ang hinanakit sa inampalang di naman mang-uusig

na manatili’t makinig sa litanya ng pusong kayrubdob

na puno ng hinaing ng nabigong pag-ibig.

 

 

 

Advertisements

13 Tugon to “Toma Bersyon Mo (aka Toma Session 101 Ver. 2.0)”

  1. Addie Says:

    Haha, naalala ko ang dasal na Bikol dito. Bicolana kase ko kaya di kagalingan managalog. Grabe, nakaka-nosebleed ang wikang Filipino. Pero naintindihan ko naman. Galing.

    Tagay!

    Ay retired na pala ako jan.

    Sometimes. Hihi.


    • Bicolano rin ang erpat ko kaya medo marunong rin ako ng konte ng salita nila sa Sorsogon.

      Nosebleed ba? Dala lang ata ng gutom ko kanina yan. 🙂

      At talagang may “Hihi” yung “Sometimes” ah! Alam na! hehehe.

      Salamat sa pagbisita. 🙂

  2. ljsdeleon Says:

    Eto na. Eto na talaga. Ganitong ganito ang experience ko nun lang Sabado. Fvck whiskey. Ayoko na. Haha. Ganda! 🙂


    • Haha. Nangyari rin saken to eh isang beses. Naghalu-halo ata yung sandamukal na iba’t ibang alak na natikman ko. Yun. Napaluhod sa trono. Di makatayo. Sabi ko di na ko uulit.
      Salamat 🙂

      • ljsdeleon Says:

        Ako din! Na-blackout. Kung anu-ano sinabi. Sinuka ko na bituka sa toilet bowl. At take note, natulog ako sa sahig ng CR. haha. 😀


      • Haha. Ako rin nga eh. Nakatulog na. Pagkagising ko andun na ko sa kwarto nung kabarkada ko. Malaman-laman ko na lang pagkagising ko binuhat na pala ko nung isa kong kainuman. Haha. Epic talaga. Kaya di ko na uulitin yung uminom ng kulang-kulang 10 hours straight.


  3. Nakakatuwa ang malarong paggamit ng mga salita. Naaliw ako. Ganito talaga ang pakiramdam.

    Sagrado ang iyong mga tula!


  4. ahaha, ang husay! madamdamin ang iyong mga taludtod. 🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: