Our Bridge

Mayo 15, 2012

1.

bubuo ako ng tulay

na mas matingkad ang kulay sa bahaghari

at pilit na ilalapit

ang distansyang namamagitan sa iyo at sa akin

2.

bubuo ako ng tulay

na hindi magugupo ng daluyong

o aabuhin ng lagablab

mas patatatagin sa semento, bakal at aspaltong ilalatag

3.

bubuo ako ng tulay

na karugtong ng langit

pinalamutian ng mga rosas na di nalalanta

pinabanguhan ng halimuyak ng bagong umaga

4.

bubuo ako ng tulay

na tatagos sa kalawakan

tanaw ang mga bituin at mga konstelasyon

at mga planetang umiinog sa araw

5.

bubuo ako ng tulay

na walang ibang makakadaan

tanging ako at ikaw lamang ang may alam kung saan

tanging ako at ikaw lamang

Advertisements

11 Tugon to “Our Bridge”


  1. sabi nung bata pa ako, kapag may gumagawa daw ng tulay mag-ingat daw ang mga bata, kasi kinukuha daw ang dugo nila para isama ng inhinyero sa pagbuo ng tulay.. tako na takot ako nun…

    ngunit an iyong tulay Guro ay may halong mas matibay sa dugo, ang iyong “damdamin at saloobin”, takot ay nawala napalitang ng paghanga.

    ganda ng tula.

  2. rhomsky Says:

    Ang positibo lang sa mga heartbreak at iba pang kabiguan, lumalabas ang mga makata na nahihimbing sa kaibuturan ng bawat isa sa atin.

    Sana iniipon mo lahat ng sinusulat mo sa panahong ito na nagrerecover ka pa sa kabiguan. Pagdating ng panahong naghilom na ang sugat sa iyong puso, basahin mo ulit ang mga akdang ito. Malamang matawa ka sa iyong sarili at sabihin mong; “shet, ang emo ko lang dati”, hehe.

    Sulat lang nang sulat habang sariwa pa ang sugat…


    • Maganda pong ideya iyan. Susubukan po natin. Salamat. 🙂

      Oo nga po. Nagugulat rin ako. Dati po ang tagal kong nakatitig sa screen pero wala akong maisulat pero ngayon mabilis po ang daloy ng salita.

      At salamat po muli sa pagbisita!

  3. ljsdeleon Says:

    Huwaw! I was literally smiling after reading this poem! Ang ganda! Soothing. Ang sweet. Huwaw. 🙂

  4. ljsdeleon Says:

    Ah basta, mas mahusay ka. Hope you don’t mind, i shared this poetry na binudburan ng asukal sa Facebook timeline ko. Ipalaganap ang epidemya ng diabetis. 🙂


  5. hello! marubdob yata talaga ang iyong nararamdaman, ahaha… ^^

    doon sa mga naunang entries ko, may maiiksi rin akong attempts na ganyan. for some reason, hindi pumapatok, haha. napi-flip out yata ang young generation bloggers na makabasa ng mga gano’ng tula from somebody na feeling nila ang tanda-tanda na, haha, shaks na ‘yan. ^^

    btw, nauunawaan kita, somehow, kapatid. i’d like to think i do, hehe. pero know what? iyong malalalim na pakiramdam na bittersweet, they make for good poetry, good compositions. not that poetry could be substitute for true and realized love, hindi rin… but then again, they’ll be there to remind us that once or twice, we tried to love deeply and sincerely. ahaha, naman. 😉

    hindi agad-agad, pero lalabo rin ang mga alaala ng sakit… till then, just hang by the skin of your teeth! 😉 🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: