Unang Ulan sa Aking Mayo

Mayo 14, 2012

Mangungulimlim ang langit.

Magtitipon ang mga ulap sa isang sulok .

Tapos kukulog.

Tapos kikidlat.

Tapos guguhit sa kalawakan ang liwanag.

Tapos maririnig ang nakabibinging ingay.

Papatak ang mga butil ng tubig mula sa langit.

Aambon.

Paisa-isa.

Manaka-naka.

Isasara ang mga naaanggihang bintana.

Ibababa ang mga kurtina.

Papalahaw ang langit.

Dadalas ang pagpatak ng tubig.

Lalakas ang ingay sa latang bubungan.

Hahalik sa lupa.

Sisingaw ang alimuom.

Susuyurin ang mga tuyong teritoryo.

Sisilong ang mga tao.

Tapos luluha.

Hihikbi.

Aagos ang tubig mula sa mata.

Mamamasa.

Magbabaha.

Mamamatay ang ligaya.

Aasa.

Advertisements

9 Tugon to “Unang Ulan sa Aking Mayo”


  1. Hay. Nakakatuwang makabasa ng mga ganitong klase ng tula. Maiging nakilala kita. πŸ™‚


  2. unang ulan sa Mayo

    ang lupa nangitim
    ang puno lumabas ang pagkaluntian
    ang aspalto sumingaw
    ang estero ngangamoy
    ang bubungan tumulo
    ang mga bata tuwang tuwa
    ang tiyan nanakit

    sumilong pagka’t iba ang ulan sa lungsod.


  3. pakiwari ko, mga unang tipa ng pusong sumisinta, ahaha. hello! πŸ™‚


  4. […] The Math Teacher Also Reads – Maraming beses ka na yatang na-nominate Sir. Anu’t ano pa man, deserving ka pa rin po para sa pagkilalang ito. Napakamakahulugan po ng iyong mga tula. (Mga Paboritong Artikulo: Paanong Hindi Kita Makikilala?, Tula(?), Unang Ulan sa Aking Mayo) […]


  5. hello, titser… dumaan lang po para ipaalam na special mention ka sa recent post. hope you don’t mind and big thanks… kind regards sa iyo. πŸ™‚


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: