paanong hindi kita maaalala?

Mayo 14, 2012

Tutula-tula

Sisipol-sipol

Kakanta-kanta

Pipiliting lagyan ng kulay ang bawat letra

upang libangin ang isip na hindi mapirmi

Rerendahan ang gunita

na pilit kumakawala

naghuhulagpos

naghahanap ng pagkakataong maipaalala

ang mga pagkakataong masaya

subalit lipas na.

Tutunganga

Titingala

Pagmamasdan ang ilaw sa gitna ng puting kisame

Magpupumilit ipinid

ang mga matang hapo na

patuloy na aasa at maghahangad

hanggang lamunin ng dilim

at tuluyang yakagin

ng landas ng pagkawalang-malay

At kapag narating na

ang karimlang pita

sandaling lilimot

Ibabaon sa kahapon ang mundo

habang tahimik na nagmamasid ang gabi

at sumisilip ang nanunuyang buwan

sa pansamantalang kapanatagan.

Ngunit kinabukasan, may magsusumbong kay araw.

Mumulat na namang ikaw ang unang gunita.

Paanong hindi kita maalala?

Advertisements

19 Tugon to “paanong hindi kita maaalala?”


  1. Napakadilim pero totoo. Mahusay!

  2. bagotilyo Says:

    galing galing …

    🙂


  3. Ahaha, ang husay! 🙂

  4. DwightD. Says:

    Hanep! Ang galing naman. Palagi ko nang inaabangan ang mga tulang ilalathala niyo sa blog na ito.


  5. hello, titser,

    pamagat pa lang, sus. inlababong inlababo ang tunog at wangis, patatawarin… kaawaan po sana ng mahabaging langit ang kaluluwang lumuluhod at nagmamakaawa… hihi, biro lang. 😉

    hope things aren’t as bad as before this was written, kapatid. regards… 🙂


    • hello! tagal ng delay no bago ako makareply no? sorry. naging busy (kunwari).
      okay naman nako. kaya ko nang tumingin nang matagal sa kutsilyo nang hindi nakakaisip ng ibang gamit para dito maliban sa paggayat ng gulay at paghiwa ng karne. hihihihi. (putek, pasensya na sa pagka-morbid).
      okay-okay na si titser kapatid! tenks tenks.


      • “kaya ko nang tumingin nang matagal sa kutsilyo nang hindi nakakaisip ng ibang gamit para dito” – panalo ‘to! hamo, ika nga’y tumitila rin naman ang ulan… makagawa nga ng post tungkol dyan sa pagtila, hihi. ^^

        happy sunday! 😉


      • hahahaha. dulot lang ng natural na kaabnoyan. hihihi. sige! abangan ko yan! Matagal akong di nakadalaw sa mga blogs nyo eh.


  6. […] rin po para sa pagkilalang ito. Napakamakahulugan po ng iyong mga tula. (Mga Paboritong Artikulo: Paanong Hindi Kita Makikilala?, Tula(?), Unang Ulan sa Aking […]


  7. […] basta, ang anim doon, humigit-kumulang, inspired or triggered ng mga sulatin ukol sa pag-ibig nina themathteacheralsoreads at ljsdeleon. Parehong titser ang dalawa, mahuhusay magsulat at nagba-blog in English and Tagalog. […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: