Ligo na U, Lapit na Me

Mayo 3, 2012

RATING: 2 out of 5

Okay.

Bakit dos lang ang rating ko sa Ligo na U, Lapit na Me?

Kung ilalarawan ko ang akdang ito ni Prof. Eros S. Atalia, siguro ang gagamitin kong salita ay ALANGANIN.

Alanganin akong natawa sa mga tangka nya sa pagpapakwela.

Alanganin akong nadala sa mga dapat sanang umaatikabong eksena nina Jen at Intoy.

Alanganin akong nakumbinse sa mga ideolohiyang tinangkang ipasok ni Atalia sa bawat pahina.

Alanganin akong nakidalamhati kay Intoy sa ginawa nyang paglimot kay Jen.

Alanganin akong naniwala na si Eros Atalia ay kaliga ni Bob Ong pagdating sa paglikha ng mga kontemporaryong panitikan na ganito ang genre.

Nabasa ko na rin ang Peksman. Four out of five ang rating ko dito. Pero hindi nagkakalayo ang naramdaman ko nang basahin ko ang librong ito (Ligo na U) ni Eros. Ang katwiran ko noon, ibase natin sa susunod na gawa. Baka mas magustuhan ko yung sunod.Kaso wala naman akong nakitang kaibahan. At ang totoo, mas na-enjoy ko ang mga dagling idinagdag ni Eros dun sa una nyang libro. Iyon ang maituturing na hindi alanganin. Hindi bitin ang pakwela. Hindi bitin ang lalim. Hindi pilit. Natural.

Maikli lang naman ang librong ito kung tutuusin. Pero ang totoo, nahirapan akong tapusin. Hindi ko mapalampas na hindi mapansin ang ilang mga typo errors, grammar slips, at misspelling. Hindi naman ako grammar nazi o kung ano man. Naghahanap lang ako ng tama lalo’t nababasa ito ng madla. Seryosong tanong, anong ginawa ng editor? (o meron nga ba itong editor? Hindi ko rin alam.)

Maging ang intensyon ni Atalia na ipasok ang paniniwala nya at mga ideolohiya pagdating sa mga usaping pambansa, hindi ako masyadong nakumbinse. Hindi kagaya ni Ong (pasensya na sa pagkukumpara)na “seamless” ang pagkonekta sa istorya (kunsabagay, ito mismo kasi ang paksa ng istorya), hindi naging natural sa akin ang naging atake ni Atalia. Walang kaisahan sa eksena, tipong ninais lang lamnan ng ganitong ideya ang bawat pahina.

Biased naman talaga ang review kong ito dahil nga Bobongpinoyism ang relihiyon ko. Umaasa lang akong makakatagpo pa ako ng ibang mga kontemporaryong manunulat na hindi naman nasa kalibre ni Ong ay hindi naman nalalayo.

Advertisements

11 Tugon to “Ligo na U, Lapit na Me”

  1. zezil Says:

    Agree. Alanganin talaga. I miss Bob Ong.Haha. Kaso, kumambyo na sya sa pagsusulat e.di na masyadong patawa.

  2. buhaylibro Says:

    Agree, parang mahirap pagsabayin yung lalim at pag papatawa. Masyadong pormal yung atake nya, meron naman akong linyang natutunan sakanya. Gaya ng “Kahit gano ka katalino, yuyukod at yuyukod ka sa me perang bobo” Sa libro nyang PEKSMAN. hehe

  3. kamillemora Says:

    *makikiraan.. 🙂
    naging prof. ko si sir eros noong college.. ayaw ko rn maging biased, kasi kilala ko sya personally kaya alam ko ung mga atake nya. pro tama ka, mas maganda pagkakagawa nya sa Peksman!

  4. DwightD. Says:

    Excited po ako nung binili ko ito sa bookstore nung lumuwas ako ng Maynila one and a half years ago, at dito ko nakilala sa Atalia. Okay naman po ang kwento ni Intoy at Jen sa unang basa ko. Nagulat lang ako kasi may pagka-mature ‘yung content ng libro. LOL. Hindi ko po kasi masyadong pinagtuunan ng pansin ang title at cover (hahahahaha!), basta ang alam ko, katabi siya nung libro ni Bob Ong sa bookstore.

    Nakailang ulit akong basahin ‘to, kapag brownout sa amin at wala na talagang pag-asa para makagamit ako ng computer. Napmahal na rin naman ako sa karakter Karl Vladimir John Lennon Villalobos (tama ba?) at na-intriga din ng konti sa pagkatao ni Jen. Hindi lang talaga ako maka-relate kasi iba ‘yung environment ng novel. Pero hula ko, anak ni Intoy ‘yung dinadala ni Jen. XD

    At… napanood ko na po sa torrent ‘yung film version nito! Ang intense!


    • Ah. Nice kung ganon. Siguro naghanap lang ako ng ibang “maturity” sa “love story na hindi love story” ni Jen at Intoy.
      Tsaka naging mas concern ko lang yung atake nya sa pag-dadagdag nung mga komento nya sa bayan. Hindi lang naging natural ang dating sa kin.

    • kamillemora Says:

      pwede po makahingi ng link ng torrent? kasi hindi ko pa sya napapanood.. eh magkakaroon na ng sequell ung book tska ung film. salamat! 😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: