Kapitan Sino

Mayo 3, 2012

RATING: 5 out of 5

Ang tagal kong tinangkang basahin ang librong ito. Siguro mga nakakalimang buwan na mula nang ninenok hiniram ko at iniuwi ang librong ito mula sa kasamahan ko sa trabaho. Ilang beses kong sinimulan. Ilang beses kong sinubukan Ate Charo. Pero hindi umubra. Parang may pumipigil sa aking basahin ito.
Hanggang sa maisipan kong mag-marathon ng mga Filipino authors kahapon. Nagbasa ako ng Tatlong Bob Ong at isang Eros S. Atalia. Pangatlo ito sa mga nabasa ko, huling akda ni Bob Ong sa araw na iyon.

Anong naging reaksyon ko?

Pagkababa ko ng libro ay napahiga ako sa kama. May kung anong gustong kumawala sa akin. Gusto kong magtatalon. Gusto kong sumigaw sa bintana. Gusto kong manigaw ng kapitbahay. Gusto kong magkulong sa kwarto at umupo lang sa isang gilid habang yapus-yapos ang dalawang binti. Gusto kong manulak ng bata sa tulay. Gusto kong magmura. Gusto kong awayin lahat ng tao sa bahay. Gusto kong kumanta. Gusto kong magsulat. Gusto kong bumalik sa nakaraan. Gusto kong mag-aral ulet. Gusto kong mapirmi sa isang tabi pero di ko magawa. Gusto kong itigil ang mundo ng mga oras na iyon.

Oo, ang OA nito. Pero ganyan talaga ang naramdaman ko.

Gusto kong buhusan ng tubig ang kung ano mang apoy na meron sa loob ko.

Gusto kong mag-rebolusyon.

Gusto kong magsimula ng pagbabago.

Ito ang unang beses na sobra akong naapektuhan ni Bob Ong. O baka nga ng kahit sino pang manunulat.Pasensya na kay Rizal pero hindi ganito katindi ang “intensity” ng naramdaman ko nang matapos ko ang Noli at Fili.

May nagising saking pagkamuhi, sa mga Pilipino at sa mga tao.

Bakit tayo oportunista?
Bakit tayo manggagamit?
Bakit tayo mayabang?
Bakit tayo makitid?
Bakit tayo walang utang na loob?
Bakit natin isinisisi ang lahat ng paghihirap sa iba?
Bakit tayo walang pakisama?
Bakit tayo nabubulagbulagan?
Bakit andali nating mauto ng pera?
Bakit masyado tayong makasarili?
Bakit hindi tayo tapat sa sarili at kapwa?
Bakit iniaasa natin sa kung sinong bathala o bayani ang kaginhawaan?
Bakit wala tayong pakialam sa iba?
Bakit wala tayong pakialam sa nakararami?
Bakit wala tayong pagpapahalaga sa dignidad natin bilang tao?
Bakit hindi tayo kumikilos?
Bakit hindi natin sinisimulang magbago?

Apektado talaga ako. Sobrang apektado.

Nakakabwisit na nakakaiyak na nakakasakit.

Kasi suspek rin ako. Aminado akong suspek din ako.

Pero ngayon,napagdesisyunan kong tatawid na ko sa kabilang kampo.
Gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko sa sarili kong mabuti akong tao. Na kaya kong magpakatao.

Advertisements

5 Tugon to “Kapitan Sino”

  1. buhaylibro Says:

    Pareho tayo mag iisang taon na sakin tong kapitan sino di ko pa din natatapos nauna ko pang matapos yung Lumayo ka nga sa akin na bagong libro ni Bob Ong. buti ka pa nabasa mo na.

  2. ylbnoel Says:

    hahaha! I can relate, thanks for sharing!

  3. DwightD. Says:

    Naka-relate ako! Ilang beses (o maraming beses) ko na pong sinimulang basahin ang librong ‘to, pero ewan ko ba, parang nawawalan ako ng guts na ituloy. Hindi ko po alam kung hindi lang ako makapag-concentrate sa binabasa ko o ang hirap iugnay ang sarili sa nobela. Binili ko ito kasabay nung Ligo na U, at nung dinala ko ang Kapitan Sino sa school, ayun, nawala ang libro. Tsktsk. Hindi ko pa rin tuloy ito nababasa hanggang ngayon.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: