Toma Session 101

Abril 25, 2012

I.

P’re, paikutin mo na ang baso.

Nagtatagal na sa palad mo

Marami pang naghihintay

Malamnan ang nanghihinging atay

II.

Bosing Tanggero!

Taasan mo naman ng konti ang tagay mo

Bitin pa ang lalamunan ko

Nag-aantay ng guguhit nang todo

III.

Maglabas ka pa ng kornik!

Wala na’ng laman ang platito

O kaya mag-gisa ng kormbip

O bumili ng chichiryang mamiso

IV.

O tsong ‘wag kang sumuka dito

‘Di ako banyo

Tsaka ayokong umuwing amoy tsiko

Mayayari ako kay ermats nito

V.

O asan na’ng gitara?

Magja-jamming tayo ng kanta ‘di ba?

Miss ko na ‘yung Rivermaya,

O kaya bigyan mo ko ng Parokya!

VI.

Sumisigaw na si Aling Tekla

Ala-una na raw ang ingay pa ng tropa

Magrereklamo raw sa barangay

Peste raw tayong mga tambay

 VII.

Mag-iisang round pa ba?

‘Di ko na ata kaya

Nahihilo na ko ng sobra

Narinig n’yo ba yung buwan tumatawa?

Advertisements

6 Tugon to “Toma Session 101”

  1. Baste. Fun. Says:

    Nice. Na-miss ko tuloy mga katropa ko.


  2. hahaha, mabuti at tula ang naisipan ng isang guro. sa amin pag may toma session sa kapitbahay, itinatawag agad sa #117 hahaha…

    • MathTitser Says:

      haha. mukhang tinamaan ata ako ng kung anong sakit. naghahagilap ng titik at tugma sa kawalan.
      haha. hindi naman kinailangan ng kapulisan kaya’t hinayaan na lang natin. 🙂

  3. Kristel Says:

    Namimiss ko na ang Chippy at Red Horse Grande. 😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: