Spoliarium

Abril 23, 2012

29 March 2004

Ikaw,

10:23 pm

Tarantado talaga yung taksi drayber kanina. Akalain mong nangongontrata? Ang lapit lang kaya ng Dasma! Hayop s’ya. Wag n’ya ‘kong gamitin kung gusto n’yang kumita ng ekstra.

Kilala mo ko. Ayoko ng nagpapagamit. Ayoko ng pinagmumukha akong tanga. Ayokong nakakahanap ng taong kaya akong utakan.

Alam mo bang “honor student” ako dati? Lagi nga kong may medal twing umaakyat ng stage eh.  Bilang ko yun lahat. Bente kwatro na ata. Science, Math, Essay Writing, Spelling… Lahat alam ‘ko. Nakwento ko na ata sa’yo ‘to eh.

Tapos lagi akong lider, lagi akong boss. Yung ako yung nasusunod? Walang kumukontra saken. Walang umuubra. Kahit titser bumabaluktot saken. Debatista yata ako. Pinakamahusay raw umargumento sabi nung trainer namin.

Tsaka alam mo magaling akong mag-gitara. Wala akong di kayang kapain na kanta. Di ba nga ‘yun yung dahilan kung bakit napasagot kita? Sabi mo ang galing kong kumanta. Pucha, maganda yung boses ko noon.

Tapos sabi mo gusto mong lagi kitang kinakantahan. Asan na nga ba yung gitara tsaka yung lumang CD? Di ko pa nalilimutan yung letra. Pati kords alam ko pa. Sabi mo nakakahawig ko si Ely Buendia tuwing hawak ko yung gitara.

Shet.

Korni pero kinikilig ako pag sinasabi mo yun.

Sobra.

****************************************************

11:17

Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba ‘pag nagsawa na ako
Biglang ayoko na

Swabe pa rin ang tunog ni Ely.  Hindi tunog lata.

****************************************************

11:20

Masaya naman tayo, ‘di ba? Ang sabi ko nga sa’yo, hahanap agad ako ng trabaho ‘pag graduate naten. Sabay tayo di ba? Pangako naten yun eh. Tatlong taon na tayong gumagawa ng mga bagay ng magkasama.

Kaya nga nagtaka na lang ako nung nakikipag-kalas ka. Sabi mo pagod ka na? Bakit? Wala naman tayong problema ah? Wala kang binabanggit tapos bigla na lang na yon na? Nagulat ako syempre. Nasaktan. Biglaan eh.

Pero ‘di ako makasarili. Naintindihan naman kita. Sabi nila matalino ako. Magaling akong umintindi kaya dapat intindihin kita. Pinilit ko naman eh. Kahit mahirap. Kahit sobrang sakit.

Kaso pucha naman isang linggo pa lang.

Hawak kamay pa kayo sa kalsada. Siguro di mo ko nakita. Pero kitang-kita ko kayo eh. Alam mo bang ang sakit? Gusto ko sanang habulin ka. Kausapin. Saktan.

Kaso di ko nagawa. Kasi nakita kitang nakangiti.

Shet.

Di ka pa ngumiti ng ganoon sa tatlong taon tayong magkasama.

Naisip ko, pareho lang kayo nung taksi drayber.

*******************************************************

12:03

Ang totoo pinag-iisipan ko pa rin tong gagawin ko. Nag-iisa na lang si nanay eh. Grade 2 pa lang yung bunso namen. Alam mo yung pangako ko di ba? Sabi ko ako yung magpapaaral sa kanya. Tuwang-tuwa si gago. Mas matalino saken yun eh. Magpa-private school daw sya. Tapos magduduktor. Oo lang ako.

Si Nanay kakakausap ko lang kanina. Sabi nya masaya raw sya at gagraduate na tayo. Wag raw muna kong mag-asawa. Kung alam lang nya. Wala naman akong kinikwento eh. Kelangan nya raw ng katulong.

Pero mahal ako non.

Maiintindihan nya ko.

*****************************************************

12:34

Pinaikot ko ulit yung plaka. Bumanat na naman ng kanta si Ely. Pero alam mo huling jamming na namin to. Wala nang laman ang mga letra ng kanta. Hindi na uulet magkakaroon. Mamaya kaya pagkakita mo saken maaalala mo pang kahawig ko sya pag may bitbit akong gitara?

Sana.

12:35

     Ako

(DISCLAIMER: matindi pa ata ang hang-over ko kay Murakami napasulat tuloy ako nito. First attempt after 6 years ng di pagsusulat? Parang ganon na nga ata katagal. Tsaka matagal na rin akong di nakakagawa ng sulat. Uso na kasi ang text.At sorry sa mga medyo bad werds! Suri! :))
Advertisements

22 Tugon to “Spoliarium”

  1. zezil Says:

    May pinaghuhugutan to ah..


    • wala po. na-inspire lang ni Murakami (wink-wink)

      • zezil Says:

        Ahh.Haha.Basahin mo yung after the quake nya. Ang weird pero ang galing. Tama ka dun sa norwegian wood e. It is a privilege to read his book!

        Though I am really anti-pagmumura, I would say you captured the ‘contained anger’ of the person telling this story. Magaling magaling.=)


      • Tenks tenks. Kinakalawang na eh.
        Actually ikaw nga ang naisip ko kaya naglagay ako ng disclaimer! hehehe. 🙂
        Sige po maam! Hahanapin natin yan sa susunod na book hunting. Ang meron ako yung “Hardboiled” tsaka yung “Wild Sheep” (tamad eh no? short cut yung pamagat)

        Tenks tenks.

        teka, asan na ang bagong posts? di na makapg-antay ang avid readers mo!

      • zezil Says:

        Hahaha. Talaga naman ako yung nakita mong mamumuna sa gawa mo.Nice.Tama ka!Hehe.

        Magaganda ba yan? kasi yung Norwegian, bibilhin ko dapat, kaso binalik ko kasi parang di ko feel kapag me kwan.Haha.

        readerS talaga? On the average, 2.5 hits lang ata ako per day e.hehe. Sabagay, more than 1 padin yun.Soon. Draft draft eklat muna ko.hehe Tsaka la pa ko maisip actually…

        Uy, bati na kami ni “buboy”, yung estudyante kong sinusumbong ko sayo dati.hihihi.yey!


      • Ang nakakatawa dun di ko pa nababasa pareho! Kaya di ko alam kung maganda. Pero yung “Wild Sheep” meron pa ring ano eh. yung alam mo na. Baka di mo matripan.
        Yung isa binili ko kasi mukhang interesante yung title. Wala nang basa-basa ng blurb. Hehehe. Ang buong pamagat: “Hard-boiled Wonderland and the End of the World”. Yun.
        Nakana! Congrats! Pano mo naman nauto finally?

      • zezil Says:

        okay ah! Consistent sa karakter ni Murakami yung title ng harboiled.hahaha.

        Kaya ko naman magbasa ng Murakami o Millenium Trilogy pero yung same ano, NO talaga. Di pa ko ready.hehe.

        JK Rowling fan ka ba? malapit na lumabas libro nya!!!

        Ewan ko nga e. Siguro napalakas dasal ko kanina. Nagpractice kami sa report nya kasi magrereport sya ng “Life Cycle of a Star”. Ang saya lang kasi kahit inaaway nya ko, lam ko papampam lang sya.hehe. Nakangiti nga ko hanggang sa bus pag uwi e.Yey!

        Kaw Prof, bakasyon ka?


      • Ah. Okay. Kaya naman pala. Yung don sa Norwegian Wood, ano yon eh, medyo mabilis lang naman. Medyo graphic lang talaga si tsong Murakami tsaka kakaiba. Talagang may maiiwang impresyon. (pano ba to pasisimplehen? Dapat alam ko titser ako eh)
        Oo nga eh. Murakaming-murakami.
        Talaga? Medyo-medyo naman. Okay naman si JK. Kelan kaya to?
        Nuks numun! Kelangan lang pala Life Cycle of a Star ang topic eh! Siguro natakot nung nagbanggit ka tungkol sa Supernova at Black holes!
        Congrats congrats! Gud por da bowt of yu!

      • zezil Says:

        Hehe.Okay lang, wag mo na i explain.=b

        Di ka fan ng mga magic magic ganyan? Alam ko this year. tapos na yung book e. Launching nalang. Tsaka pang young adult sya. Di na childrens book.

        Thanks Prof.=) Sana lagi kaming ganito, masaya.hehe. Anyway, nanamnamin ko muna ang pang-aapi-free day!


      • Fan naman kahit pano. Natapos ko yung hanggang Book 3 ng HP. Nakaka 60 pages na siguro ako sa Book 4 kaso medyo tinamd ng konte. Mga 2 months ago pa to. Hihi.
        Ginoogle ko yung date ng launch. September 27 raw. The Casual Vacancy pamagat. Wala na ngang magic magic.

        Tama yan! Sana magtagal ang “harmonyus relationship” nyo! Teka, may pasok sya kahit summer? IS ba skul nya?

        Tsaka Prof ka dyan! Ang totoo nahihiya ako pag tinatawag akong Prof ni Sir Noel. Di bagay sa kawangakan ko! hihi Tsaka di naman talaga ko Prof

      • zezil Says:

        HAYM ZO EKZAYTED por the book! Wii!=)

        Yes, may pasok si “buboy”. Sa kwan sya, sa paaralan ng mga anak ni pacman.=)

        Prof Prof Prof! (my lame attempt to annoy you). Haha. Anywho, e prof ka naman talaga e. Maiba lang, magmamasters kaba? Naabutan mo nmn siguro yung matalinong nilalang sa Math Dept nyo na super taas ng GWA.Wala lang.naalala ko lang sya.Anung peyborit mong Math?


      • Ah. Okay. Dun pala nag-aaral yun. Ayos ah.

        Hahaha. Sobra akong naiinis!(lame attempt ren sa sarcasm)

        Di pa. Original plan ko this year. Kaso naisip ko masaya pa ko sa maraming free time tsaka medyo crucial tong taon na to kasi 3rd year ko sa pinapasukan ko, taon ng tenureship. Di pwedeng maglagalag. Di pa naman ako magaling sa multitasking. hihi.

        So next year ko sisimulan, Aantayin ko rin yung grant ng school na pinatatrabahuan ko. Baka UP o Ateneo. Pero baka Ateneo kasi may makaksabay akong co teachers don.Takot ako mag-isa eh. hihi.

        Matalinong nilalang? Teka ako ba yon? hehe. Yun ba yung Summa ng UP? Sorry po di ako from UP! (naks flattered naman ako na I gave you that impression) Graduate lang po ako sa isang pampublikong state u dyan sa tabi tabi.

        Paboritong Math? Teka. Di ko talaga pinag-iisipan. Ano ba pinaka nagustuhan ko? Natuwa ako sa course naming Investigation and Modelling. Tsaka natripan ko rin ang Differential Calculus. Di ko na nga lang sya maalala ng matino ngayon. hihi

      • zezil Says:

        God bless sa pag-masters mo Prof!=)

        Sorry ha, ginawa ko ng chatbox tong blog mo.

        Anyway, it is good to know a nerd like you. mabuhay mag nerds! (And this is a compliment). magandang gabi sayo Prof!.=)


      • Di naman ako nerd. Ano, siguro, medyo lang.

        Okay nga eh. Haha. Anyway, aantayin ko yung mga utang mong posts sa aming 2.5 readers mo!

        Tenkyu! Tenkyu!

        Magandang gabi!


    • random: ngapala, subukan mong itype yung randomvignettes sa google! may nadiskubre lang ako.

  2. Anna Says:

    Hard to believe you didn’t write for a long time prior to this. Ang galing eh 🙂 I have only read around four of Murakami’s books. 2 of them yung collection ng short stories. Galing niya magsulat eh.


  3. Ay salamat po! Nakakatuwa naman yung comment nyo.

    I’ve only read one of the three Murakami books that I own but I can already say that he is a brilliant writer. Sobra kong hands-down sa mga ideya nya. They will really affect you.

    Salamat po sa pagbisita, Ms. Anna!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: