Naka-36 Hits Ako!

Marso 19, 2012

Ewan. Kalokohan lang ‘tong entry na ito. Natuwa lang ako kasi makalipas ang ilang araw ng kalokohan eh akalain mong may 36 na taong nagkamaling bisitahin ang parteng ito ng internet. O pwede namang isang tao lang ‘to na nadiinan ang Enter Key ng computer nya kaya umabot ng 36 hits. Parang Anna Banana lang ! Nakakatuwa lang. Ganito pala yun. Yung dati kong sinimulang blog sa Blogger noon ako lang ang nagkiclick. Niloloko ko lang ang sarili ko. Pero ngayon, I feel so loved! (nyaks, spokening dollar!)Magpapansit nga ako sa sweldo! Yung maraming bihon para hindi halatang fishball lang ang sahog!

Advertisements
%d bloggers like this: