Ang Gumradweyt, Bow

Marso 17, 2012

APRIL 27, 2010

Graduation Day namin. Araw ng pagtatapos. Araw ng itim na toga, asul na hood, asul na tassel, at syempre pamatay na porma sa ilalim. Naka-long sleeves akong kulay kupas na violet. ‘Di rin mawawala ang plantsadong slacksKiniwing black shoes, at isang printed tie na pinilit kong ibagay sa suot kong long sleeves (sulyap sa paligid: langya, mga mukhang tao kaming lahat ngayon).Tama lang naman atang magpagwapo sa araw na’to. Anupa’t araw namin ‘tong mga gagraduate. Ang kulminasyon ng apat na taon naming binuno sa hirap (hirap pumasok ng maaga, hirap mag-isip ng excuse sa prof kapag late, hirap makasingit ng pila t’wing enrolment, hirap makaisa sa gwardya para mabilis makakuha ng ROG, hirap makisama sa ibang weirdong kaklase, hirap makibagay sa ilang prof na parang di alam ang sinasabi, hirap magsarbey at mag-tally para sa thesis at ang hirap makabawi ng tulog lalo kung bukas ang deadline ng ginagawang term paper) ng pagkokolehiyo (o pagwawala sa kolehiyo?). Kaya dapat masaya ako. Pero ewan ko ba. Emo na ata ako (eyeliner at bangs na nakaside na lang ang kulang). Kasi habang nakaupo ako sa puting monoblock na’to(na kanina pa iniinda ng pwet ko), sandamukal na mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Maraming tanong at realisasyon. Akalain mong sa wakas nag-iisip na ako?

Ilang minuto na lang mula ngayon, sa hudyat na ibibigay ni Ms. Vice President, ililipat naming pakanan ‘tong tassel sa mga cap namin. Conferral nga ba ang tawag nila? At ilang saglit na lang, excited kaming aakyat ng entablado, sabay sunggab sa nakarolyong short bond paper na may matching ribbong green na diploma raw namin. At pagkatapos,sa aming pagbaba, gradweyt na kami.

Ibig sabihin, ‘di na ako estudyante…

Ibig sabihin, huling beses ko na pala kaninang nagbayad ng sais…

Ibig sabihin, mahihiya na’kong makipag-away kay boss Kuya Manong drayber para makadiskwento…

Hindi ko na magagamit ang linyang: “Ma, ‘yong bente estudyante lang” o di kaya“Estudyante lang kuya, eto ID ko gusto mong makita?”…

Nakakatakot pala.

Ang pagkakaintindi ko, sa puntong tumayo ako at iwan ang monoblock na ito, bigla nang lalawak ang mundo ko.

Mas malayo pa sa puno ng Acacia sa tapat ng Bldg 2 ang tanaw.

Mas malayo.

Pero don’t get me wrong (nakana, konyo ang lukutoy), hindi sa ayaw kong grumadweyt. Kating-kati na nga akong makatapos. Ang hindi ko alam, kalakip pala ng excitement ang isang panibagong takot. Namputek, takot pala akong mag-isa!

Mag-isang mag-apply ng trabaho, mag-isang pupunta ng interview, mag-isang mare-reject. Malakas lang pala ang loob ko pag may karamay.

Pa’no nga kaya ang mangyayari? Ah basta! Ang alam ko lang, kanya-kanyang diskarte na kami mula ngayon. Wala na akong pwedeng asahang iba. Kakornihan mang sabihin, dapat nang matutong mag-isa. Para saan pang nag-praktis ako ng apat na taon kung maduduwag lang din ako, di ba?

Basta. Ewan. Wala naman talagang nakakaalam ng mangyayrari. Basta ang sigurado ako, inis na yong emcee kasi ayaw pang tumayo nung susunod na gagradweyt. Pitong beses na atang tinawag yung pangalan. Malat na si Ms. Emcee sa kakasigaw ng pangalan ni Carlos Ange…Teka, teka, ako yata yon. Nalibang ako sa kakaisip (palibhasa minsan lang gawin). Sya, sya at maka-akyat nga muna!

Advertisements

3 Tugon to “Ang Gumradweyt, Bow”

  1. zezil Says:

    Congratulations!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: